Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, OKTUBRE 22, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,126 total views

Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Isaias 45, 1. 4-6
Salmo 95, 1 at 3, 4-5. 7-8. 9-10a at k

Dakilang kapangyarihan
ng Panginoo’y idangal.

1 Tesalonica 1, 1-5b
Mateo 22, 15-21

Sunday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green)
World Mission Sunday

UNANG PAGBASA
Isaias 45, 1. 4-6

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Hinirang ng Panginoon si Ciro
para maging hari
upang lupigin ang mga bansa
at alisan ng kapangyarihan ang mga hari.
Ibubukas ng Panginoon
ang mga pintong-bayan para sa kanya.
Sinabi ng Panginoon kay Ciro:
“Tinawag nga kita
upang tulungan si Israel na lingkod,
ang bayan kong hinirang.
Binigyan kita ng malaking karangalan
bagamat di mo ako kilala.
Ako ang Panginoon,
Ako lamang ang Diyos at wala nang iba;
palalakasin kita,
bagamat ako’y di mo pa kilala.
Ginawa ko ito
upang ako ay makilala ng buong daigdig,
na makikilala nila na ako ang Panginoon,
Ako lamang ang Diyos at wala nang iba.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 1 at 3, 4-5. 7-8. 9-10a at k

Dakilang kapangyarihan
ng Panginoo’y idangal.

Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;
Panginoo’y papurihan nitong lahat sa daigdig!
Kahit saa’y ipahayag na ang Poon ay dakila,
sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

Dakilang kapangyarihan
ng Panginoo’y idangal.

Ang Poon ay tunay na dakila, marapat na papurihan
higit sa sinumang diyos, siya’y dapat katakutan.
Ang diyos ng sanlibuta’y pawang mga diyus-diyusan;
ang Poon lang ang may likha ng buong sangkalangitan.

Dakilang kapangyarihan
ng Panginoo’y idangal.

Ang Panginoo’y purihin ng lahat sa daigdigan!
Purihin ang lakas niya at ang kanyang kabanalan!
Ang pagpuri ay iukol sa pangalan niyang banal,
dumulog sa kanyang templo’t maghandog ng mga alay.

Dakilang kapangyarihan
ng Panginoo’y idangal.

Kung ang Poon ay dumating, sa likas n’yang kabanalan,
Humarap na nanginginig ang lahat sa daigdigan.
“Ang Poon ay siyang hari,” sa daigdig ay sabihin,
sa paghatol sa nilikha, lahat pantay sa paningin.

Dakilang kapangyarihan
ng Panginoo’y idangal.

IKALAWANG PAGBASA
1 Tesalonica 1, 1-5b

Ang simula ng unang sulat
ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica

Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo:
Sa simbahan sa Tesalonica – mga hinirang ng Diyos Ama at ng Panginoong Hesukristo: Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan.

Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina’y isinasama namin kayo sa aming dalangin. Ginugunita namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong mga gawang bunga ng pananampalataya, ang inyong mga pagpapagal na udyok ng pag-ibig, at ang matibay ninyong pag-asa sa Panginoong Hesukristo. Nalalaman namin, mga kapatid, na kayo’y hinirang ng Diyos na nagmamahal sa inyo. Ang Mabuting Balita na lubos naming pinaniniwalaan ay ipinahayag namin sa inyo hindi sa salita lamang. Ito’y may kapangyarihan at patotoo ng Espiritu Santo.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Filipos 2, 15d. 16a

Aleluya! Aleluya!
Sa daigdig ay laganap
liwanag na sumisikat
Salitang buhay ng lahat.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 22, 15-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, umalis ang mga Pariseo at pinag-usapan kung paano nila masisilo si Hesus sa kanyang pananalita. Kaya pinapunta nila sa kanya ang ilan sa kanilang mga alagad, kasama ang ilang tauhan ni Herodes. Sinabi nila, “Guro, nalalaman naming kayo’y tapat, at itinuturo ninyo nang buong katotohanan ang ibig ng Diyos na gawin ng mga tao. Wala kayong pinangingimian sapagkat pareho ang pagtingin ninyo sa tao. Ano po ang palagay ninyo? Naaayon ba sa Kautusan na bumuwis sa Cesar, o hindi?” Ngunit batid ni Hesus ang kanilang masamang layon kaya’t sinabi niya, “Kayong mapagpaimbabaw! Bakit ibig ninyo akong siluin? Akin na ang salaping pambuwis.” At siya’y binigyan nila ng isang denaryo. “Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito?” tanong ni Hesus, “Sa Cesar po,” tugon nila. At sinabi niya sa kanila, “Kung gayon, ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Ipinaaalaala sa atin ngayon ang ating tungkuling pambayan at panrelihiyon. Sa pagdarasal natin para sa biyayang mahusay nating magampanan ang mga ito, alalahanin natin sa natatanging paraan ang lahat ng nahihirapan sa pagtupad dito. Maging tugon natin ay:

Panginoon, dinggin mo kami!

Para sa Simbahang panlahat: Nawa maging malaya siyang mag- pahayag at magtaguyod sa mga pagpapahalaga ng Ebanghelyo sa lahat ng lipunang pambayan. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating Obispo, mga kura paroko, at iba pang pinunong panrelihiyon: Nawa matagumpay nila tayong gabayan sa pinakamahusay nating pagtupad sa ating mga tungkuling pambayan at panrelihiyon. Manalangin tayo!

Para sa ating mga pinuno sa pamahalaan at lahat ng iba pang pinunong pambayan: Nawa gabayan nila tayo sa pamamagitan ng kanilang katapatan at karangalan sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa Diyos at sa bayan. Manalangin tayo!

Para sa ating mga misyonero sa buong daigdig: Nawa itulot ng Diyos na magbunga ang kanilang mga pagsisikap, bigyan sila ng lakas para malampasan nila ang lahat nilang kahirapan, at gantimpalaan sila ng buhay na walang hanggan. Manalangin tayo!

Para sa ating pamayanan: Nawa lahat tayo’y laging makatupad sa ating mga tungkulin bilang mga mamamayang tapat at mabubuting Katoliko, at sa gayo’y makatulong sa pagtatatag ng Kaharian ng Diyos sa lupa. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, salamat sa paghirang Mo sa amin bilang mamamayan ng aming bansa at kaanib ng Iyong Simbahan. Pagkalooban Mo nawa kami ng higit na pagpapahalaga sa dalawang kaloob na ito at ibayong pananabik na makatulong para sa kapakanan ng dalawang ito sa pamamagitan ng ulirang pagganap sa aming mga tungkulin sa Diyos at sa bayan. Isinasamo namin ito sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon.

Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moro-Moro Lamang

 92,647 total views

 92,647 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 108,046 total views

 108,046 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 120,501 total views

 120,501 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 131,006 total views

 131,006 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 141,655 total views

 141,655 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 24,756 total views

 24,756 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 24,987 total views

 24,987 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 25,469 total views

 25,469 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 17,380 total views

 17,380 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 17,489 total views

 17,489 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top