Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, DISYEMBRE 14, 2023

SHARE THE TRUTH

 5,489 total views

Paggunita kay San Juan de la Cruz, pari at pantas ng Simbahan

Isaias 41, 13-20
Salmo 144, 1 at 9. 10-11. 12-13ab

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Mateo 11, 11-15

Memorial of St. John of the Cross, Priest and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

UNANG PAGBASA
Isaias 41, 13-20

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

“Ako ang Panginoong inyong Diyos
at siyang nagpapalakas sa inyo,
Ako ang may sabing:
‘Huwag kayong matatakot at tutulungan ko kayo.’”
Sinabi pa ng Panginoon,
“Israel, mahina ka man at maliit,
huwag kang matakot,
tutulungan kita,
Ako, ang Diyos ng Israel, ang magliligtas sa iyo.
Gagawin kitang tulad ng panggiik,
bago at matalim ang kanyang ngipin,
at ang mga bundok at burol
ay iyong gigiikin
at duduruging tila alikabok.
Itatahip sila, tatangayin ng hangin,
pagdating ng bagyo ay pakakalatin;
magdiriwang dahil sa akin na inyong Diyos,
pupurihin ninyo ako at dadakilain.
Pag ang aking baya’y
inabot ng matinding uhaw,
na halos matuyo
ang kanilang lalamunan,
akong Panginoon ang gagawa ng paraan;
akong Diyos ng Israel ay di magpapabaya.
Sa tigang na burol
ay magkakailog,
sa gitna ng lambak
masaganang tubig ay bubukal;
aking gagawin
na ang disyerto ay maging tubigan;
sa tuyong lupain
ay may mga batis na masusumpungan.
Ang mga disyerto’y
pupunuin ko ng akasya’t sedro,
kahoy na olibo at saka ng mirto;
kahoy na sipre, alerses at olmo.
At kung magkagayon,
makikita nila at mauunawa,
na ang nagbalangkas at lumikha nito
ay ang Panginoon, ang Banal ng Israel.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 1 at 9. 10-11. 12-13ab

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag,
di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat.
Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi;
sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Magpupuring lahat sa iyo, o Panginoon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihan ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,
mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.

Pag-ibig ng D’yos ay ganap,
sa tanan s’ya’y nahahabag.

ALELUYA
Isaias 45, 8

Aleluya! Aleluya!
Pumatak na waring ulan
nawa’y umusbong din naman
ang Manunubos ng tanan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 11, 11-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Sinasabi ko sa inyo: sa mga isinilang, walang lumilitaw na higit na dakila kay Juan Bautista; ngunit ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos ay dakila kaysa kanya. Mula nang mangaral si Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng Diyos ay nagdaranas ng karahasan at inaagaw ng mararahas. Sapagkat ang mga propeta at Kautusan ay nagpahayag tungkol sa paghahari ng Diyos hanggang sa dumating si Juan. Kung maniniwala kayo, siya ang Elias na darating. Ang may pandinig ay makinig!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Huwebes

Pinuri ni Jesus si Juan Bautista dahil sa pag-akay nito sa mga tao upang lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng pangangaral ng pagsisisi sa kasalanan. Manalangin tayo para sa lahat ng tao sa buong mundo at maging sa kanilang mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng pagpapatawad, dinggin mo kami.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y patuloy na manawagan sa mga tao na talikuran ang makasalanang pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lalaki at babaeng binigyan ng katungkulan nawa’y pangibabawin ang katarungan sa lahat ng pagkakataon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at nagdadalamhati nawa’y marinig ang Mabuting Balita ng kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang laging piliin ang maging mabuti at umiwas sa lahat ng anyo ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mananampalatayang yumao na ay makaranas nawa ng pagliligtas ng Diyos sa kanyang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, pakundangan sa inyong pag-ibig, dinggin mo ang aming mga panalangin at gawin mo kaming katulad ni Juan Bautista, na walang takot at mapagkumbabang saksi sa mga aral ng iyong Anak sa buong mundo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang marinig naman nila ang katarungan

 7,461 total views

 7,461 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 83,444 total views

 83,444 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 107,434 total views

 107,434 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Pasko ng mga OFW

 97,795 total views

 97,795 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 113,773 total views

 113,773 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 50,894 total views

 50,894 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 51,125 total views

 51,125 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 51,639 total views

 51,639 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 37,128 total views

 37,128 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 37,237 total views

 37,237 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top