Nang marinig naman nila ang katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 200,369 total views

Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong tagumpay para sa mga indibidwal na may kapansanan sa pandinig o bingi o deaf sa Ingles.

Pero alam n’yo bang may dalawang klasipikasyon ng “deaf”? Ang isa ay nagsisimula sa maliit na titik “d” habang ang isa naman, sa malaking titik “D”. 

Ang deaf na nagsisimula sa maliit na “d” ay tumutukoy sa mga may kapansanan sa pandinig na maaaring gumagamit o hindi gumagamit ng sign language. Ang Deaf na nagsisimula sa malaking “D” ay tumutukoy sa mga bingi na gumagamit ng sign language. Lahat ng Deaf (may malaking ”D”) ay deaf (may maliit na ”d”), pero hindi lahat ng deaf (may maliit na ”d”) ay Deaf (may malaking ”d”). Pero lahat ng Pilipinong may kapansanan sa pandinig, maliit man o malaki ang titik “d” na ginagamit ay dapat nakikinabang sa ating sistemang pangkatarungan. 

Kaya naman, inaprubahan ng Korte Suprema dalawang linggo na ang nakararaan ang “FSL Rules”. Alinsunod ito sa Republic Act No. 11106 o ang Filipino Sign Language Act. Tinitiyak ng FSL Rules na patas at epektibo ang akses sa katarungan ng mga Pilipinong may kapansanan sa pandinig, kabilang ang makabuluhan nilang pakikilahok sa court proceedings. Sa ganitong paraan, ang mga pagdinig sa korte ay hindi lang para sa mga nakaririnig.

Sa ilalim ng FSL Rules, magtatalaga sa bawat korte ng mga FSL at Deaf Delay interpreters mula sa listahan ng accredited interpreters ng Office of the Court Administration (o OCA). Ia-update ng OCA ang listahang ito taun-taon. Itina-translate ng FSL interpreters ang wikang sinasalita (o spoken language) sa sign language at ang sign language naman sa wikang sinasalita. Ang Deaf Delay interpreters ay nakikipag-usap sa mga tinatawag na “linguistically isolate deaf person” at “hearing non-signers.” Ang linguistically isolated deaf person ay hindi nakaiintindi ng sign language, habang ang hearing non-signers ay nakaririnig pero hindi marunong gumamit ng sign language

Ire-refer ng mga korte ang mga binging partido o testigo sa isang kaso sa Komisyon sa Wikang Filipino para magsagawa ng Visual Communication Assessment for the Deaf. Tutukuyin ng assessment ang kanilang mga pangangailang pangkomunikasyon. 

Ipinagbabawal din ng FSL Rules ang pagtatalaga ng interpreters na may conflict of interest sa kaso, gaya halimbawa ang mga kamag-anak ng mga binging partido o testigo. Binibigyan naman ng FSL Rules ng akses sa case records ang interpreters

Sang-ayon sa mga turo ng Simbahan ang isinusulong ng FSL Rules na pantay na akses ng mga kapatid nating bingi. Kinikilala ng FSL Rules ang dignidad nila bilang mga kawangis ng Diyos. Kahit may mga limitasyon at kahirapang dinaranas dala ng kanilang kapansanan, may mga karapatan ang mga kapatid nating bingi na dapat kilalanin. Para mangyari ito, kailangang makasali sila sa lahat ng aspeto ng ating pampublikong buhay, pati na sa ating sistemang pangkatarungan. 

Tungkulin nating lahat, bilang indibidwal at bilang lipunan, na tiyaking isinasaisip at tinutugunan ang mga pangangailangan ng mga bingi, gumagamit at nakaiintindi man sila ng sign language o hindi. Sabi nga sa Levitico 19:14, “Huwag ninyong lalaitin ang bingi… kundi katakutan ninyo ang Diyos.” Sa isang Kristiyanong pananaw, walang puwang ang diskriminasyon o pagsasantabi sa mga indibidwal na may kapansanan. Sa pagkilala sa kanilang dignidad at pagsigurong nakakalahok sila sa ating lipunan, pinupuri din natin ang Panginoon. 

Mga Kapanalig, pinasasalamatan natin ang sangay ng hudikatura sa paglalabas ng FSL Rules. Hangad natin ang maayos na pagpapatupad nito nang masigurong nakakamit ng mga kapatid nating may kapansanan sa pandinig ang patas at tunay na katarungan. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 10,917 total views

 10,917 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 28,717 total views

 28,717 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 28,717 total views

 28,717 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 142,215 total views

 142,215 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 163,927 total views

 163,927 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Sa loob ng 24 oras

 10,918 total views

 10,918 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 28,718 total views

 28,718 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 28,718 total views

 28,718 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 142,216 total views

 142,216 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »
Scroll to Top