Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 177,505 total reads

Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang pagbasura sa kanyang kahilingan para sa interim release. Nanindigan ang ICC sa nauna nitong desisyon na panatilihin siya sa kustodiya ng korte.

Ang interim release ay pansamantalang paglaya ng isang akusado habang naghihintay ng paglilitis, pero hindi ito nangangahulugang absuwelto na siya sa kasong kinakaharap. Ipinagkakaloob lang ito kung kumpiyansa ang hukuman na maipagpapatuloy ang pagdinig sa kaso kahit wala sa kulungan ang akusado.

Hindi ito nakita ng ICC sa kaso ni dating Pangulong Duterte. Wala raw sapat na basehan ang tatlong grounds of appeal na inihain ng kanyang kampo. Nabigo rin daw ang kampo ng datinbg presidente na ipakitang may pagkakamali sa pagsusuri o na hindi makatwiran ang naging konklusyon noon ng ICC.

Noong ipinatutupad ang giyera kontra droga, napakaraming hindi binigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili. Hindi sila nabigyan ng abogado. Hindi sila nakatungtong sa korte. Hindi sila pinakinggan. Pinatay na lang sila dahil salot sa lipunan ang turing sa kanila.

Ngayon naman, ang dating pangulo, kasama ang kanyang pamilya at mga tagasuporta, ay humihiling na mapalaya muna siya dahil sa kanyang edad, kalusugan, at mga karapatan. Umaasa sila ngayon sa awa ng sistemang minsan niyang binalewala. Subalit sa desisyon ng ICC, malinaw na ang awa ay hindi maihihiwalay sa pagkilala sa katotohanan at katarungan. 

Sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan, ang awa—at nakapaloob na rito ang pagpapatawad—ay hindi nangangahulugang kakalimutan na natin ang mga pagkakamaling nagawa ng isang tao. Katarungan ang layunin ng kapatawaran, at kaakibat nito ang pagpapanagot sa mga nagkasala.

Walang dapat pinipili ang awa, kaya ibinigay din sana ito sa mga biktima at pamilya nilang hanggang ngayon ay naghahanap ng sagot, naghahanap ng katawan ng kanilang mahal sa buhay, at naghahanap ng katarungan. Nasaan ang awa para sa mga naulila, para sa mga nadurog ang buhay, para sa mga inakusahan ngunit hindi nakapagsalita, para sa mga pinatay bago pa man napatunayang may sala?

Para sa mga pamilya ng biktima ng war on drugs, ang desisyon ng ICC ay isang malaking hakbang tungo sa pananagutan. Ayon sa Philippine Coalition for the International Criminal Court, ito ay “malaking panalo” para sa mga biktima at kanilang mga pamilya, lalo na’t binigo sila ng sarili nating sistemang pangkatarungan. Nagsisimula pa lang ang kanilang laban para sa katarungan. 

Sa gitna ng mga panawagan para sa awa, hustisya, at pananagutan, mainam na paalala ang mga salitang ito mula Mikas 6:8: “Tinuruan tayo ng Panginoon kung ano ang mabuti. At ito ang nais niyang gawin natin: Gawin natin ang matuwid, pairalin natin ang pagkamaawain sa iba at buong pagpapakumbabang sumunod sa Diyos.” 

Sa isyung ito, panghawakan natin ang tatlong haligi: katarungan para sa mga biktima, awa para sa mga nasaktan, at kababaang-loob para sa nagkasala. Hindi maaaring paghiwa-hiwalayin ang mga ito. Ang awa na walang katarungan ay pagtalikod sa katotohanan; ang katarungan na walang kababaang-loob ay nagiging paghihiganti. Tanging ang pagtindig sa totoo ang makakapagpanumbalik ng dangal sa lahat.

Mga Kapanalig, dasal nating manaig ang katotohanan. Hangad nating mapanagot ang tunay na maysala, pero hangad din nating maging tama, malinaw, at makatao ang proseso ng pagdinig sa kaso ng dating presidente. Oo, sana kahit siya ay makatanggap ng due process na ipinagkait niya sa mga biktima ng madugo niyang kampanya—hindi dahil espesyal siya kundi para maitaas natin bilang isang bayan ang antas ng ating pag-unawa sa hustisya. Sapagkat ang hustisya, kapag totoo, ay hindi namimili. Ito ay tumitindig para sa biktima, at kumakatok din sa pinto ng nagkasala.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 2,974 total reads

 2,974 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 64,675 total reads

 64,675 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 110,526 total reads

 110,526 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 211,794 total reads

 211,794 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 281,816 total reads

 281,816 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Battered woman syndrome

 2,975 total reads

 2,975 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 64,676 total reads

 64,676 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 110,527 total reads

 110,527 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 211,795 total reads

 211,795 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »
Scroll to Top