12-percent VAT, bawasan ng 2-porsiyento

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 71,023 total reads

Naniniwala si Sen. Erwin Tulfo na hindi malaking kawalan sa pondo ng pamahalan kung babawasan ng dalawang porsiyento ang umiiral na 12 percent value added tax.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Tulfo na marami pang binabayarang buwis ang publiko kaya’t malaking tulong sa karaniwang mamamayan kung mababawasan man nang kaunti ang VAT.

Giit pa ni Tulfo, bagama’t sinasabing aabot sa P330 B kada taon ang mawawalang kita ng gobyerno ay maari pa rin itong mabawi sa pamamagitan ng efficient tax collection.

“Siguro po, ‘yung efficient lang po na tax collection, tax efficient ‘yun po ang kailangan natin. Hindi na kailangan yung kung ano-ano pa…nandiyan din po ang Bureau of Customs. Siguro kung episyente lang po ang yung pagkokolekta ng buwis, I believe maabot po natin ang target,” ayon kay Tulfo.

Dagdag pa ng mambabatas, kasalukuyan ding dinidinig sa Senado ang usapin ng Letter of Authority (LOA) na iniisyu sa bawat negosyo at kumpanya na hinihinalang naabuso at napupunta lamang sa katiwalian.

Una na ring nagsumite si Sen. Tulfo ng senate bill 1552 o VAT Reduction Act of 2025 na layunin bawasan ang VAT mula sa dating 12 percent patungong 10 percent.

Ayon sa mambabatas, malaking tulong ang pagbabawas VAT lalo na sa mga pamilyang mababa at may katamtaman lamang na kita.

Nagsumite rin ng kahalintulad ng panukala si Batangas Rep. Leandro Leviste sa Kamara o ang House Bill 4302 o VAT Reduction Act of 2025.

Sinabi ni Leviste, sakaling maaprubahan bilang batas, aabot sa P7,000 ang matitipid na kita ng mga karaniwang mamamayan kada taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 3,073 total reads

 3,073 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 39,867 total reads

 39,867 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 75,534 total reads

 75,534 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 129,180 total reads

 129,180 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 190,884 total reads

 190,884 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 44,982 total reads

 44,982 total reads Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »
Scroll to Top