Pagpapaalab ng debosyon sa banal na eukaristiya, isinulong ng Diocese of Kidapawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,380 total views

Binibigyang-diin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pangangailangang buhayin muli ang malalim na debosyon ng mananampalataya sa Banal na Eukaristiya, na itinuturing na sentro ng buhay at misyon ng simbahan.

Sa ginanap na Diocesan Eucharistic Revival and Adoration Congress, sinabi ng obispo na nakatuon ang paglalakbay ng diyosesis at ng Gagmay’ng Kristohanong Katilingban (GKK) o Basic Ecclesial Communities sa pagbabalik sa tunay na presensya ni Kristo sa Eukaristiya.

“Nais naming ibalik ang mamamayan ng Diocese of Kidapawan sa malalim na pagmamahal at pagpapahalaga sa Banal na Eukaristiya. Ang sentro ng aming simbahan at ng aming pagiging sambayanan ay walang iba kundi ang Eucharist, the origin and the source of our life,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Bahagi ng adhikain ng diyosesis ang pagpapaigting ng debosyon sa Blessed Sacrament, lalo na sa mga adoration chapels ng iba’t ibang parokya.

Umaasa ang obispo na sa pamamagitan ng masiglang pagdalo at pagninilay sa Eukaristiya ay muling manumbalik ang sigla ng pananampalataya ng mga Katoliko sa Kidapawan.

“Tatlo ang layunin namin: palalimin ang appreciation for the Holy Eucharist, ipaalala na ito ang sentro ng simbahan, at bumuo ng mga grupong may debosyon sa Blessed Sacrament,” dagdag ng obispo.

Tinatayang 17,000 mananampalataya ang nakiisa sa culminating activity ng isang taong pagsasagawa ng eucharistic adorations ng mga GKK bilang bahagi ng pagdiriwang ng Jubilee Year of Hope ng Simbahan ngayong 2025.

Pinuri ni Bishop Bagaforo ang malaking bilang ng lumahok at hinimok ang mas aktibong pakikibahagi sa mga pagdiriwang ng Banal na Misa, partikular tuwing Linggo.

Binigyang-diin ng obispo na layon ng eucharistic revival na tugunan ang pagbaba ng bilang ng dumadalo sa Misa, na aniya’y nasa humigit-kumulang 20 porsyento lamang.

“Umaasa kami na ang Eucharistic Adoration ay magbago at magpabanal ng buhay ng mga mananampalataya ng Diocese ng Kidapawan. Sana maging maka-Diyos tayo at higit sa lahat, maging makahulugan ang ating pagmamahal sa Banal na Misa,” giit ni Bishop Bagaforo.

Pinangunahan ni Bishop Bagaforo ang exposition of the Blessed Sacrament sa St. John Paul II Parish sa Amas, Kidapawan City, na sinundan ng isang Eucharistic Procession patungong Capitol Ground Complex kung saan sama-samang nagdiwang ng Banal na Misa ang libo-libong mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 46,505 total views

 46,505 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 55,869 total views

 55,869 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 82,325 total views

 82,325 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 131,152 total views

 131,152 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 133,120 total views

 133,120 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

 4,930 total views

 4,930 total views Ibinahagi ng Diocese of Digos na ginawaran ng Archbishop Clovis Thibault Special Award ng Archdiocese of Davao si Bishop Guillermo Afable ng Digos

Read More »
Scroll to Top