Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pambili ng paputok, itulong sa kapwa

SHARE THE TRUTH

 27,429 total views

Piliin ang pagtulong sa kapwa sa halip na bumili ng mga paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Ito ang mensahe ni Bureau of Fire Protection Post Chaplain Fr. FSINP Raymond Tapia, CHS ngayong bagong taon sa pagsalubong ng buong mundo higit na ng mga Pilipino sa bagong taon.

Binigyang diin ng Pari ang ‘Kindness over Firecrackers’ advocacy kung saan sa halip na mga paputok ay bumili na lamang ng pagkaing maibabahagi sa mga higit na nangangailangan tulad ng street dwellers.

“Sayang ang pera, yung ibibili mo ng paputok, ibili mo ng pagkain, ibigay mo doon sa mga namamalimos o walang makain ngayong araw na ito, that will be a better start for 2024, kindness is better than firecrackers,” pahayag ni Fr. Tapia sa Radio Veritas.

Hinimok din ng pari ang mga pamilya na magbuklod sa panalangin sa pagsalubong ng bagong taon upang ipagpasalamat sa Diyos ang mga biyayang tinanggap sa nakalipas na taong gayundin ang pagluhog para sa bagong taong 2024.

Iginiit ng pari na mahalagang iwasan ang mga paputok upang makaiwas din sa kaakibat na pinsala tulad ng sunog na ayon sa BFP nasa 24 na sunog ngayong taon ang may kaugnayan sa firecrackers.

Bukod pa rito ang panganib sa kalusugan at katawan gayong naitala ng Department of Health ang 107 kaso ng firecracker related injuries ngayong taon.

Tinuran din ni Fr. Tapia ang pinsala na maidudulot ng mga paputok sa kalikasan bunsod ng mga nakalalasong kemikal na sangkap ng mga paputok na makadadagdag sa suliranin ng climate crisis lalo’t pinangangambahan ng Pilipinas ang malubhang epekto ng El Nino phenomenon sa pagpasok ng 2024.

Paalala ng pari sa mamamayan ang mga turo sa ensiklikal na Laudato Si ni Pope Francis kung saan panawagan ng ‘Care for our Common Home’ sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

Samantala nakataas naman sa red alert status ang lahat ng himpilan ng BFP sa buong bansa sa pagsalubong ng bagong taon kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagliban sa tungkulin upang nakahanda ang mga kawani sa pagresponde sa emergency situation ngayong bagong taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 44,882 total views

 44,882 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 74,963 total views

 74,963 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 88,952 total views

 88,952 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 107,267 total views

 107,267 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 2,183 total views

 2,183 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »

RELATED ARTICLES

Caritas Manila calls for donation

 17,245 total views

 17,245 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
Scroll to Top