Pangunahan ang pagpapalaganap ng pananampalataya, panawagan ng CBCP sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,696 total reads

Nanawagan si CBCP-Episcopal Commission on Evangelization and Catechesis Chairman San Fernando La Union Bishop Daniel Presto sa mga mananampalataya at kabataan na pangunahan ang pagpapalaganap ng pananampalataya sa lipunan.

Ito ang mensahe ng Obispo sa mga kabataan sa pagdaraos sa tatlong araw na Philippine Conference on New Evangelization dito s University of Santo Tomas Quadricentennial Pavillion.

Ayon sa Obispo, ito ay dahil sa pagiging tagapagmana ng mga kabataan sa kinabukasan kung kayat sa tulong ng kanilang maagang pagpapalaganap ay maipagpatuloy ang malalim na pananampalataya sa Pilipinas at buong mundo.

“Dahil dito sikapin na maging ‘Misyonero’ sa bawat kabataan, lalo’t higit sa mga dumaranas ng hirap, dumaranas ng pagsubok, dumaranas ng kalungkutan, kaya’t sa pagdiriwang na ito, hingiin namin ang inyong pananalangin sa matagumpay na pagdiriwang ng tatlong araw na Philippine Conference on New Evangelization, tayo nawa, lahat ng mga kabataan ay inaanyayahan ko rin na sikaping isabuhay ang Mabuting Balita at ang tungkuling maging ‘Misyonero sa Kapwa,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Presto.

Ayon pa sa Obispo, sa pamamagitan ng pagtutulungan bilang nag-iisang simbahan ay tiyak na mapapalaganap ang pananampalataya sa lipunan upang higit na makilala ng marami ang Diyos at Panginoong Hesukristo.

Inihayag ni Bishop Presto na higit ding naisasabuhay ang Synodal journey kung sama samang naglalakbay ang mga mananampalataya bilang nag-iisang simbahan at higit na naisasabuhay ang tema ng Jubile Year ngayong taon na Pilgrims of Hope.

“Mga minamahal na mga kapatid sa pananampalataya, ngayon ay ipinagdiriwang natin ngayon ang ikalabing isang pagdiriwang ng PCNE – Philippine Conference on New Evangelization dito sa UNiversity of Santo Tomas, at dito ay naglalayon na ang mga participants ay maging mga misyonero, mga evangelizers, ipahayag ang Mabuting Balita at ang simbahang Sinodal, lalo’t higit sa mga kabataan, kayo ang pag-asa ng ating Simbahan – ay maipagpatuloy ang diwa ng PCNE o ng Synodal Church,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Presto.

Ngayong taon, sa pangangasiwa ng Archdiocese of Manila Office for the Promotion of New Evangelization sa PCNE 11 ay muli itong ipinagdiriwang sa University of Santo Tomas sa temang “Padayon: Synodal Witnessing of the Faith”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 45,869 total reads

 45,869 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 125,704 total reads

 125,704 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 159,151 total reads

 159,151 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 194,449 total reads

 194,449 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 419,230 total reads

 419,230 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top