Pagpapalaganap ng evangelization, hamon ng mga opisyal ng simbahan sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,912 total reads

Inaananayahan ni Radyo Veritas President Father Roy Bellen at Father Joel Rescober – Rector at Parish Priest ng Archdiocesan Shrine of Our Lady of Miraculous Medal- Saint Vincent de Paul Parish na higit na palaganapin ang pananampalataya habang isinasabuhay ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Ito ang mensahe ng mga Pari ng Archdiocese of Manila para sa 11th Philippine Conference on New Evangelization na idinaos simula July 18 hanggang 20 sa University of Santo Thomas Quadri Centennial Pavillion.

Ayon kay Fr.Bellen, sa parehong pagdalo ng pisikal o panunuod sa mga online streaming platforms ng mga gawain sa PCNE 11 ay higit na malalalaman at maisasapuso ng mga mananampalataya ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng pananampalataya higit na ngayong patuloy na nagbabago ang teknolohiya at panahon.

“Ang lahat ng ating ginagawa ay para po sa pagtupad sa misyon ng pagpapahayag ng mabuting balita, minsan nakakapagod na, sa dami ng iniisip at ganap sa paligid pero we are reminded what really matters, what truely matters ang ipahayag ang mabuting balita atleast we are able to re- orient our directions, at ano yung ating halaga ng lahit ng ating mga efforts sa araw-araw, muli po ang lahat po ay inaanyayahan na makadalo po kahit po online, inyong pakinggan Panoorin po ang mga kaganapan dito sa PCNE 2025,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Bellen.

Habang isinulong naman ni Fr.Rescober na magkasabay na gamitin ang pagtulong sa kapwa at pagpapalaganap ng Ebanghelisasyon.

Ito ay dahil aktibo ang simbahan pagtulong sa mga mahihirap, pagtugon sa pangangailangan ng mga nasasalanta ng bagyo at pagpapakain sa mga mahihirap.

Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mas maraming Pilipino na malaman na mabilis ang pagtugon at pagtulong simbahan sa mga nangangailangan at higit na napapalaganap ng simbahan ang pananampalataya dahil naibabahagi sa mas maraming Pilipino ang mabuting salita ng Panginoon.

“Maraming pamamaraan upang matulungan ang mga kapatid nating kapos, sa pag-healing sa kanila, pagsulong ng ilang mga dapat na karapatan na dapat ay ating iginagalang at yun nga ibinibigay sakanila, isa yun sa mga adbokasiya para sa kanila, magandang pamamaraan kasi that’s also a way for new Evangelization, hindi lang yung we give them something but then again pagbibigay ng dignidad, pagbibigay ng halaga sa pamamagitan ng pagsulong ng kanilang mga karapatan katulad ng mga ordinaryo at ibang mananapalataya,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Rescober.

Ngayong taon, sa pangangasiwa ng Archdiocese of Manila Office for the Promotion of New Evangelization sa PCNE 11 ay ipinagdiriwang ito sa temang “Padayon: Synodal Witnessing of the Faith”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 45,847 total reads

 45,847 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 125,684 total reads

 125,684 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 159,131 total reads

 159,131 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 194,429 total reads

 194,429 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 419,211 total reads

 419,211 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top