Obispo, ipinagdarasal na matutugunan ng pamahalaan ang problema sa flooding

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,361 total reads

Ipinarating ng Diocese of Borongan ang pakikiisa sa mga Pilipinong nasalanta ng magkakasunod na kalamidad na dulot ng bagyong Crising at hanging Habagat.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, bagamat maayos ang kanilang kalagayan sa Eastern Samar ay hindi nila nakakalimutan ang mga Pilipinong naranasan ang matitinding pagbaha.
Ipinapanalangin ni Bishop Varquez ang katatagan ng loob ng mga Pilipinong patuloy na bumabangon sa mga suliraning dulot ng kalamidad.

“So I hope yung kabuoan yung approach para ma-address ang problema sa flooding and even typhoons sa ating areas sa Pilipinas. So yun ang ating nakita sa lahat ng mga biktima ng floodings, ngayon we pray for you, nakikita namin ang inyong mga paghihirap na sana makabangon muli tayo sa pamamagitan po ng ating pagtutulungan at sa ating pagtitiwala sa Diyos,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Varquez.

Umaasa din ang Obispo na matugunan ng pamahalaan ang suliranin ng pagbaha dahil ang mga mahihirap na kabilang sa most vulnerable sector ang pangunahing naapektuhan ng mga kalamidad.
Bukod sa pakikiisa, inihayag ni Bishop Varquez na nakahanda ang simbahan na tugunan ang pangangailangan ng mga residente na nasalanta ng kalamidad.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council, umaabot na sa 1.4-million ang bilang ng mga Pilipinong biktima ng pananalasa ng bagyong Crising at Habagat na katumbas ng 401-libong pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 112,200 total reads

 112,200 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 188,400 total reads

 188,400 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 221,848 total reads

 221,848 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 257,147 total reads

 257,147 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 479,264 total reads

 479,264 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top