Bamboo Housing community, binuksan ng Vincentian foundation sa mga apektado ng baha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,432 total reads

Muling ipinamalas ng Vincentian Foundation ang diwa ng pagkakawanggawa at pagmamalasakit sa mga mamamayang apektado ng pagbaha dahil sa habagat na unang pinaigting ng nagdaang Bagyong Crising.

Noong July 21 ay binuksan ng foundation ang kanilang Bamboo Housing Community para sa mga residenteng lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa walang humpay na pag-ulan.
Umabot sa mahigit 700 indibidwal ang kinanlong ng Vincentian Foundation mula sa 200 mga pamilya.

Katuwang ng foundation sa pagtulong ang lokal na pamahalaan at mga opisyal ng barangay na nagbigay ng banig para sa mas maayos na matutulugan gayundin ang iba pang pribadong grupo na naghatid ng mga pagkain.

“Efforts to support the evacuees have come from multiple sectors,” ayon sa pahayag ng Vincentian Foundation sa pamumuno ni Fr. Geowen Porciuncla, CM.

Nagpaabot din ng tulong ang Tanging Yaman Foundation sa pamumuno nina Fr. Manoling Francisco, SJ at Fr. Bong Sarabia, CM kabilang na ang labindalawang kaban ng bigas, mga de lata gayundin mga sariwang gulay na direktang binili sa mga lokal na magsasaka sa iba’t ibang rehiyon.

Nakalikom din ang foundation ng sampung libong cash donations at 55-libong pisong halaga ng inkind donations mula sa 12 donors.

Apela ng Vincentian Foundation sa publiko na suportahan ang kanilang kawanggawa sa pamamagitan ng pagdadala ng tulong sa St. Vincent Seminary sa Tandang Sora Avenue, Quezon City upang ipamahagi sa mga nasalanta ng kalamidad.

Una nang tiniyak ng mga simbahan sa bansa ang kahandaang lulmingap sa mga mamamayang apektado ng mga kalamidad kabilang na ang pagbubukas sa mga simbahan bilang pansamantalang matutuluyan.
Nakipag-ugnayan na rin ang Caritas Manila sa mga social action centers ng mga apektadong diyosesis at mga parokya para sa paghahatid ng relief goods.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 1,043 total reads

 1,043 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 35,723 total reads

 35,723 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 69,108 total reads

 69,108 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 105,591 total reads

 105,591 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 123,750 total reads

 123,750 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top