Mamamayang Pilipino, hinimok na makialam sa kalagayan ng mga katutubo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,623 total reads

Hinimok ni Tony Abuso, Executive Secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP), ang mga Katoliko at iba pang Kristiyano na higit na makialam sa kalagayan ng mga katutubo upang makatulong sa pagtatanggol sa kanilang lupang ninuno, kalikasan, at kultura.

Sa kaniyang mensahe para sa National Indigenous Peoples Sunday sa Sitio Bacao, Barangay Doña Josefa, Palayan City, Nueva Ecija, binigyang-diin ni Abuso ang kahalagahan ng pagbubukas ng kamalayan, pakikinig, at pakikiisa sa mga katutubo upang maunawaan ang kanilang mga karanasan at matugunan ang kanilang mga hinaing para sa susunod na henerasyon.

Umaasa rin si Abuso na sa pamamagitan ng pagdiriwang ay mas maraming mananampalataya ang mahihikayat na makiisa sa mga katutubo at suportahan ang kanilang mga adhikain.

“Unang-una, binabati ko ang ating mga kapatid na katutubo sa araw na ito, Linggo ng Katutubong Pilipino. Mabuhay ang mga katutubo! So sa pagkakataon pong ito, nagpapasalamat tayo sa host diocese, ang Diocese of Cabanatuan, sa pangunguna ni Most Rev. Prudencio P. Andaya Jr., ang Obispo ng Cabanatuan. At siyempre po, kasama natin ang ating Tagapangulo ng ECIP, si Bishop Moises Cuevas. Siya rin po ang Obispo ng Calapan, ay nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang na ito. Siguro po, ‘yung sinabi ng ating mga obispo kanina na talagang mamulat, makinig, at makilakbay sa ating mga kapatid na katutubo ay talagang po natin isakatuparan. ‘Yun po ‘yung talagang diwa ng pakikiisa natin sa mga kapatid nating katutubo, at nang sa ganun, makita natin ang sitwasyon at makiisa tayo sa sitwasyon na ito para maipagtanggol ang kanilang lupang ninuno, ang kalikasan, at ang kanilang kultura,” Ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Abuso.

Ikinatuwa ni Palayan City Mayor Viandrei Nicole Cuevas ang pakikiisa ng Simbahang Katolika sa mga katutubo sa kanilang lungsod, partikular sa pagbibigay-pansin sa kanilang mga saloobin at pangangailangan.

Ayon kay Cuevas, mahalagang maramdaman ng mga katutubo na naririnig ang kanilang mga hinaing, lalo na sa pamamagitan ng suporta ng Simbahan sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Sunday.

Ang pagdiriwang ay pinangunahan ng CBCP-ECIP, katuwang ang Diyosesis ng Cabanatuan, bilang pagpapahayag ng pakikiisa sa mga katutubo at pagtataguyod sa kanilang mga karapatan, lupang ninuno, at kultura.

Binigyang-diin sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Sunday ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang maitaguyod ang dignidad at karapatan ng mga katutubo, gayundin ang pagtatanggol sa kanilang mga lupang ninuno, kalikasan, at kultura.

Sa pangunguna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP), katuwang ang Diyosesis ng Cabanatuan, layunin ng pagdiriwang na higit na mamulat ang mga mananampalataya sa kalagayan ng mga katutubo, makinig sa kanilang mga hinaing, at makilakbay sa kanilang pagsusulong ng kapakanan ng susunod na henerasyon.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,338 total reads

 21,338 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 45,661 total reads

 45,661 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 116,173 total reads

 116,173 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 202,683 total reads

 202,683 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 245,711 total reads

 245,711 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 293,621 total reads

 293,621 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top