869 total reads
Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections.
Ikinababahala ng CEAP ang ulat ng 4th National Plan of Action for Children na 80-porsiyento ng mga batang Pilipino ang nakakaranas ng ilang uri ng karahasan sa tahanan, paaralan, lugar ng trabaho, komunidad at mga karelasyon.
Sa ulat naman ng United Nations Childrens’ Fund o UNICEF , tatlo sa bawat limang bata ang nakararanas ng violent discipline, habang isa sa bawat tatlo ang nakararanas ng bullying sa paaralan at isa sa bawat limang batang gumagamit ng internet sa Pilipinas ang nakaranas ng sexual abuse o exploitation online.
Sa taong 2023, nakatanggap ang Philippine National Police – Women and Children Protection Center ng 18,756 na ulat o sumbong ng paglabag sa karapatan ng mga bata, kabilang ang 17,304 kaso ng violence against children.
Binigyan-diin ng CEAP na ang nakakabahalang katotohanan ay misyon ng catholic schools na tugunan.
Inihayag ng CEAP na mahalagang maging handa ang isang katolikong paaralan kapag ang dignidad ng isang bata ay nasugatan.
Tinukoy ng CEAP ang ‘revised CANE+D Protocol’ dahil nagbibigay ito ng mas maayos na proseso para sa pagtukoy, pag-uulat, imbestigasyon, case management, legal proceedings, rehabilitation, reintegration, at prevention ng mga kaso.
Ayon sa CEAP, ang pagpapatupad ng ‘CANE+D Protocol’ ay kabilang sa kanilang Healing Series na binubuo ng HEAL, HARMONIZE, HARDEN, HUMANIZE, at HONOR, na kumakatawan sa iba’t ibang aspeto ng pagtugon ng Catholic schools sa mga komunidad na nakararanas ng trauma at karahasan.
Iginiit ng organisasyon na ang healing ay hindi lamang nangangahulugan ng pagtulong sa bata na makabangon matapos ang insidente, kundi kabilang din ang protection, truth, accountability, accompaniment, restoration, at rebuilding of trust.
“Healing, therefore, cannot mean simply helping a child feel better after something has happened. In Catholic education, healing must include protection, truth, accountability, accompaniment, restoration, and the rebuilding of trust. The deeper question for every Catholic school is whether we have a system that can recognize a child’s suffering and respond without causing further harm. We must also ensure that no child is left to carry that suffering alone,” ayon pa sa mensahe ng CEAP.
Sa ensiklikal na Fratelli Tutti ni Pope Francis, isinusulong ang pagkilala sa dignidad ng bawat tao at pagtataguyod ng pagkakapatiran at malasakit sa kapwa, lalo na sa mga higit na nangangailangan ng proteksiyon at suporta.




