El Niño, nararamdaman na sa Kalinga at Region 2

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 54,579 total reads

Nararamdaman na sa Tabuk City, Kalinga ang epekto ng El Niño, lalo na sa suplay ng tubig para sa agrikultura at produksyon ng palay.

Ayon kay Clay Bagano, dating chairman ng Tabuk City Cooperative Development Council, mas mababa na sa normal ang rainfall kaya nakararanas na ng dry spell o tagtuyot ang ilang bahagi ng Cordillera at karatig na Region 2.

Sa panayam ng Radyo Veritas, sinabi ni Bagano, na umaasa ang mga magsasaka sa Tabuk sa tubig na mula sa Chico River para sa kanilang mga sakahan, subalit bumaba na rin ang lebel ng tubig, gayundin ang halumigmig ng lupa.

“Dito sa CAR, dito sa Tabuk mismo sa Kalinga, we are actually dependent sa tubig galing ng Chico River. Lahat ng agricultural activities namin is dependent sa tubig galing ng Chico River. Ang nangyari ngayon, below normal na yung ating volume ng tubig, kaya nahihirapan na itong ating agricultural sector. Yung availability ng tubig at yung moisture ng soil medyo affected na po,” ayon kay Bagano.

Bukod pa rito, ibinahagi ni Bagano na tumitindi na ang init sa Cagayan at mga karatig na lugar hanggang Tabuk, kaya nababawasan ang oras na maaaring magtrabaho ang mga magsasaka sa bukid.
Tinaguriang rice granary ng Cordillera ang Tabuk at mga karatig na lugar.

Dahil dito, maaaring magkaroon ng epekto sa suplay ng bigas hindi lamang sa Luzon kundi sa buong bansa kung magpapatuloy ang pagbaba ng ani.

Tinatayang 30 hanggang 50 porsiyento ang ibinaba ng ani ng palay sa ilang lugar sa Tabuk.

Mula sa karaniwang 120 kaban bawat ektarya, nasa 80, 70 o maging 60 kaban na lamang ang naaani ng ilang magsasaka.

Bilang tugon, iminungkahi ang mas malaking pamumuhunan ng lokal at pambansang pamahalaan sa mga water impounding facility at solar-powered pumping system para makatulong sa irigasyon.

“Yung mag-invest sana ang LGU natin sa mitigation activities, gaya ng water impounding. Kailangan mag-invest sila as solar pumping, kasi yun na ang parang pwede nating katulong sa irrigation galing sa Chico River,” ayon kay Bagano.

Article by: Jerry Maya Figarola & Marian Navales Pulgo

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,597 total reads

 21,597 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 46,381 total reads

 46,381 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 116,868 total reads

 116,868 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 203,383 total reads

 203,383 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 246,406 total reads

 246,406 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 294,300 total reads

 294,300 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top