Political dynasties, magpapalala ng impunity at katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,107 total reads

Nagbabala si Zamboanga Archbishop Julius Tonel na ang pananatili ng kapangyarihang pampolitika sa iilang pamilya ay maaaring magpalala ng impunity at katiwalian, na nakahahadlang sa pagsusulong ng katarungan at sa pangangalaga sa mga maralita sa lipunan.

Sa kanyang pagninilay sa ika-siyam na araw ng misa nobenaryo para sa kapistahan ng Nuestra Señora La Virgen del Pilar sa Fort Pilar Shrine noong October 11, binigyang-diin ng arsobispo na hindi dapat manatiling walang pakialam ang mga mananampalataya sa mga suliraning panlipunan, lalo na sa mga usapin ng mabuting pamamahala at paglaban sa kahirapan.

“When the power resides in the family, no one goes to jail. There is always impunity, and when they belong to the family, then they control, and corruption comes in,” ayon kay Archbishop Tonel.

Iniugnay ng arsobispo ang kanyang pagninilay sa tema ng kapistahan na synodal stewardship, na nagbibigay-diin sa sama-samang pananagutan ng Simbahan at ng mga mananampalataya sa pagsusulong ng kabutihang panlahat.

“We cannot remain indifferent. We cannot close our eyes. It is our duty to take care of the poor, to take care and love our country,” aniya.

Binigyang-diin din niya na ang kabutihang panlahat ang dapat maging pangunahing layunin ng mabuting pamamahala.

Ito rin ay kaugnay ng panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa pagpapatibay ng isang makabuluhang batas laban sa political dynasty, na naglalayong bigyang-bisa ang probisyon ng 1987 Constitution tungkol sa pantay na pagkakataon sa paglilingkod-bayan.

Sa kanyang homiliya, binasa ni Archbishop Tonel ang pastoral letter ng CBCP na “A Time to Open Doors of Public Service,” na sumusuporta sa people’s initiative ng Dapat Isa Lang para sa isang tunay na batas laban sa political dynasty.

Binigyang-diin sa liham na hindi dapat ituring na pamana ng pamilya ang posisyon sa pamahalaan, sapagkat ito ay tiwala ng publiko na dapat gamitin para sa kapakanan ng lahat.

Bilang tugon, inatasan ng arsobispo ang mga parokya ng Archdiocese of Zamboanga na tumulong sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa inisyatiba at sa pag-alalay sa mga mananampalatayang nais lumahok dito.

Hinimok din niya ang mga parokya, sa pamamagitan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting at iba pang mga ministry, na palakasin ang edukasyon ng mga mamamayan upang maunawaan ang layunin ng panukala at makalahok nang malaya at naaayon sa kanilang konsensiya.

Pinagnilayan ni Archbishop Tonel ang mga pagbasa sa banal na pagdiriwang, kung saan inaanyayahan ng Diyos ang bawat isa na makiisa sa Kanya.

“We are invited to trust Him, share our gifts in our stewardship to make room at the table, especially to those who are poor and excluded,” ayon pa kay Archbishop Tonel.

Sa pagdiriwang ng kapistahan ng Birhen ng Pilar, binigyang-diin ng arsobispo na ang pananampalataya ay dapat makita sa konkretong pagkilos sa pamamagitan ng pangangalaga sa mahihirap, pagmamahal sa bayan, at pagtataguyod ng isang lipunang nakasentro sa katarungan at kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 8,942 total reads

 8,942 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 237,356 total reads

 237,356 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 130,822 total reads

 130,822 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 224,851 total reads

 224,851 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 268,756 total reads

 268,756 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top