Mga katutubo, hinimok ni Bishop Andaya na maging matatag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 776 total reads

Hinimok ni Cabanatuan Bishop Prudencio Andaya ang mga katutubo na manatiling matatag sa pagtataguyod ng kanilang dignidad at karapatan bilang bahagi ng Simbahang Katolika at mga anak ng Diyos.

Sa kaniyang mensahe para sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Sunday sa Sitio Bacao, Palayan City, Nueva Ecija, tiniyak ni Bishop Andaya na hindi nag-iisa ang mga katutubo sa kanilang paglalakbay, dahil kasama nila ang Simbahan sa pakikinig sa kanilang mga saloobin at pakikiisa sa kanilang misyon.

Binigyang-diin ng obispo na nararapat kilalanin ang dignidad ng mga katutubo bilang mga kapatid kay Kristo, gayundin ang kanilang mahalagang papel sa buhay at misyon ng Simbahan.

Hinikayat din niya ang mga ito na magpatuloy nang may lakas ng loob, sa katiyakang hindi sila pababayaan ng Simbahan sa pagsusulong ng kanilang mga adhikain.

Binigyan-diin ni Bishop Andaya ang kahalagahan ng sama-samang paglalakbay ng Simbahan at mga katutubo, sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga karanasan, pagkilala sa mga pangangailangan, pagsuporta sa misyon at mithiin.

“May isa po akong mensahe para sa mga katutubo ngayon.Sa araw ng Indigenous Peoples Sunday dito sa Bacao, hindi po kayo nagiisa bilang mga kapatid namin. Kayo po ay bahagi po ng ating simbahan, kayo po ay may dignidad, kayo po ay kabahagi rin ng mga anak ng Diyos dito sa lupa.So, keep courage mga katutubo, we will always be together with you sa paglalakbay. Makikinig kami sa inyo at sabay-sabay tayong magmisyon,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Andaya.

Ang pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Sunday ngayong taon ay nakatuon sa pakikiisa sa mga katutubo, partikular sa pagtatanggol sa kanilang mga karapatan, lupang ninuno, kalikasan, at kultura.

Pinangunahan ito ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP), katuwang ang Diyosesis ng Cabanatuan, bilang pagpapahayag ng paninindigan ng Simbahan na makilakbay sa mga katutubo at kilalanin ang kanilang dignidad at mahalagang ambag sa lipunan at sa pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 6,896 total reads

 6,896 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 235,487 total reads

 235,487 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 128,953 total reads

 128,953 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 222,982 total reads

 222,982 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 267,014 total reads

 267,014 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 34,137 total reads

 34,137 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top