National Indigenous People’s Sunday, gugunitain ng CBCP-ECIP sa piling ng mga Ayta at Dumagat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 576 total reads

Ipagdiriwang ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang National Indigenous Peoples Sunday sa October 11, 2026 sa Bulwagan ng mga Katutubo, Sitio Bacao, Palayan City, Nueva Ecija, sa temang “Pakikipaglakbay sa mga Katutubo: Pagpaparangal sa Nilikha ng Diyos at Karapatan ng Kalikasan.”

Pangungunahan ng pagtitipon ang pagsusulong ng karapatan ng mga katutubo, pangangalaga sa kanilang mga lupang ninuno, at pagprotekta sa kalikasan, kasabay ng pagtatapos ng Season of Creation kung saan tampok sa pagdiriwang ang karanasan ng mga Ayta sa Bacao at mga Dumagat sa Nueva Ecija, kabilang ang kanilang kalagayan, mga pangarap, at mga usaping kinakaharap ng kanilang mga komunidad.

Inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Indigenous Peoples. o CBCP-ECIP sa Radyo Veritas na naging resettlement area ang Bacao para sa mga Ayta matapos ang pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991, at kalaunan ay nagsagawa rin ang komunidad ng mga hakbang para sa reforestation, agrikultura, at pagpapaunlad ng kabuhayan.

Magkakaroon din ng Banal na Misa at pagtatanim ng mga katutubo ng endemic na puno sa paligid ng Bacao Mission bilang konkretong pagpapakita ng pakikiisa sa komunidad at pangangalaga sa sangnilikha.

Bahagi ng programa ang diyalogo at bukas na talakayan hinggil sa karapatan ng mga katutubo, pangangalaga sa lupang ninuno, pagpapanatili ng kultura, at proteksiyon sa kalikasan.

Kabilang sa mga patuloy na hamong bibigyang-pansin ang mga banta sa lupang ninuno, pagkasira ng kapaligiran, sapilitang pagpapalikas, pagkawala ng tradisyonal na kabuhayan, at paglabag sa karapatan ng mga katutubo sa malaya, pauna, at may sapat na kaalamang pahintulot o Free, Prior and Informed Consent kaya binigyang-diin ng Simbahan ang pagsusulong ng diyalogo, katarungan, kapayapaan, dignidad ng tao, at pangmatagalang pakikipag-ugnayan sa mga katutubong pamayanan.

Ang pakikiisa ng CBCP-ECIP sa mga katutubo ay pagtalima sa panawagan ni Pope Francis sa kaniyang ensiklikal na Laudato Si na pangalagaan ang ating iisang tahanan at kilalanin ang ugnayan ng pagkasira ng kalikasan, karapatan ng mga pamayanan, at pananagutang pangalagaan ang sangnilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 10,742 total reads

 10,742 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 109,889 total reads

 109,889 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 154,159 total reads

 154,159 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 177,270 total reads

 177,270 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 251,711 total reads

 251,711 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 25,236 total reads

 25,236 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top