Paglingkuran ang mahihirap at nangangailangan, panawagan ni Cardinal Tagle sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,540 total reads

Hinimok ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization sa Section for First Evangelization and New Particular Churches at bagong Dean ng College of Cardinals, ang mga kabataan na isabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga mahihirap at higit na nangangailangan, kabilang ang mga walang tirahan at mga kapos sa pangunahing pangangailangan.

Pinarating ito ni Cardnal Tagle sa kaniyang pagninilay para sa misang iniaalay sa sa Church of Santa Maria Maggiore – Shrine of the Renunciation sa Assisi, Italy para sa kapistahan ni Saint Carlo Acutis at paggunita ng kaniyang kamatayan.

Ayon sa Kardinal, hindi lamang dapat tumanggap ng biyaya ng Diyos ang mga Kristiyano, kundi maging tagapaghatid din nito sa kapwa dahil dapat mahing ehemploe ang Kabataang Santo na nagboluntaryo sa ‘soup kitchens’ noong nabubuhay pa, nagbigay ng mga damit sa mahihirap, nagmalasakit sa mga walang tirahan, at nagtanggol sa mga kabataang nakararanas ng pambu-bully.

“St. Carlo Acutis regularly attended the Eucharistic banquet, not to isolate himself from others and the world. Rather, the Lord’s banquet became for him a mission to invite others to savor the goodness of Jesus. Carlo inspired his own family to draw closer to Jesus. Thanks to Carlo, Rajesh Mohur He discovered Jesus. Carlo had a special affection for the homeless. He volunteered at a soup kitchen,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Tagle na pinadala ng Diocese of Assisi Italy sa Radyo Veritas.

Binigyang diin pa ng Opisyal ng Vatican ang kahalagahan ng pagtugon sa pangangailangan ng mga sektor na nakararanas ng kahirapan at panlipunang pagkakait, sa halip na magtuon lamang sa pansariling kapakanan.

Ayon kay Cardinal Tagle, dapat maging misyon ng mga Kristiyano ang pag-abot sa lahat ng tao at pagbabahagi ng pagmamahal, kaligtasan, at kapayapaan ng Diyos, sa halip na magpalaganap ng diskriminasyon, kasinungalingan, at karahasan.

Pinangunahan ni Cardinal Tagle ang misang idinaos sa Diocese of Assisi Italy bilang bahagi ng apat na araw na pagdiriwang para sa kapistahan ni San Carlo Acutis at ika-20 anibersaryo ng kaniyang pagpanaw noong October 12, 2006 kung saan

““Do we take our mission seriously? Are we willing, in the name of God, to reach out to all kinds of people, wherever they are: on the streets, in schools, in offices, in hospitals, in slums, in war zones, on social media? Or do we choose only the people and places that are convenient for us? And what message do we bring when we meet people? Do we bring God’s invitation to his feast of love, salvation, and peace?,” bahagi pa ng pagninilay ni Cardinal Tagle na pinadala ng Diocese of Assisi Italy sa Radyo Veritas.

Ayon sa Diocese of Assisi, umabot na sa 1.7-milyon ang mga mananampalataya ang naitalang bumisita sa dambana Simula July 2025, habang patuloy na nagsilbing inspirasyon ang batang santo sa mga kabataan upang isabuhay ang pananampalataya sa makabagong panahon, kabilang ang paglilingkod sa mga mahihirap at higit na nangangailangan

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,935 total reads

 21,935 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 47,189 total reads

 47,189 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 117,656 total reads

 117,656 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 204,172 total reads

 204,172 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 247,194 total reads

 247,194 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 295,071 total reads

 295,071 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top