Pope Leo XIV, iginiit ang pagtutol sa death penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,446 total reads

Muling iginiit ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang pagtutol ng Simbahang Katolika sa parusang kamatayan, at binigyang-diin na maaaring mapangalagaan ang kabutihang panlahat at maipatupad ang katarungan nang hindi kumikitil ng buhay.

Sa mensaheng inilathala ng Santo Papa sa kanyang opisyal na X account na @Pontifex nitong October 10, 2026 kasabay ng paggunita sa World Day Against the Death Penalty, sinabi ni Pope Leo XIV na hindi katanggap-tanggap ang parusang kamatayan dahil ito ay isang pag-atake sa dignidad at buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa isang indibidwal.

“The death penalty is inadmissible because it is an attack on the inviolability and dignity of the person.” Bahagi ng mensahe ni Pope Leo XIV.

Ayon sa Santo Papa, may mga epektibong sistema ng pagkakakulong at pagpapanagot na kayang protektahan ang publiko habang nagbibigay pa rin sa mga nagkasala ng pagkakataong magbago at magpanibago ng buhay.

Paliwanag ni Pope Leo XIV, mahalagang mapangalagaan ang kabutihang panlahat at matugunan ang pagsusulong ng katarungan nang hindi kinakailangang sumailalim sa parusang kamatayan.

“The common good can be safeguarded and the requirements of justice can be met without recourse to capital punishment: effective systems of detention have been developed that protect citizens while at the same time do not completely deprive those who are guilty of the possibility of redemption.” Dagdag pa ni Pope Leo XIV.

Ang pahayag ng Santo Papa ay kasunod ng paninindigan ni Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin laban sa planong isapubliko sa pamamagitan ng livestream ang nakatakdang pagbitay kay Nidal Hasan, dating sundalo ng United States na nahatulan sa pagpatay sa 13 katao at pananakit sa 32 iba pa sa Fort Hood noong 2009.

Ayon kay Cardinal Parolin, hindi katanggap-tanggap na gawing palabas ang pagkitil ng buhay ng sinuman.

“It is certainly unacceptable to turn death into a spectacle. However guilty the person may be, there are other ways.” Pahayag ni Cardinal Parolin.

Samantala, nanawagan din si Archbishop Paul Coakley, pangulo ng United States Conference of Catholic Bishops, na muling pag-isipan ang planong pagbitay, habang nilinaw ng Arsobispo na hindi nangangahulugang kinukunsinti ng Simbahan ang mga krimeng nagawa ng sinuman.

Muli ring ipinapaalala ng paninindigan ni Pope Leo XIV na ang tunay na katarungan ay dapat magpanagot sa nagkasala, magprotekta sa komunidad, at kumilala sa kabanalan at dignidad ng buhay ng bawat tao.

Sa Pilipinas, muli ring nanawagan ang Coalition Against Death Penalty (CADP) ng katarungang nakapaghihilom sa halip na hustisyang kumikitil ng buhay.

Tema ng 24th World Day Against the Death Penalty ngayong taon na “Stories for Life,” na nagbibigay-diin sa mga buhay at kuwento ng mga taong apektado ng death penalty.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 22,091 total reads

 22,091 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 47,589 total reads

 47,589 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 118,029 total reads

 118,029 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 204,545 total reads

 204,545 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 247,567 total reads

 247,567 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 295,428 total reads

 295,428 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 22,092 total reads

 22,092 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top