Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 356,054 total reads

Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag…

Paanong hindi magiging matatag tayong mga Pilipino, 19 hanggang 20-tropical cyclones ang namiminsala sa Pilipinas kada taon. Ginupo at pinadapa tayo ni Super typhoon Yolanda., nang bagyong Ondoy, nang malalakas na lindol., matinding pagbaha., ngunit, mabilis tayong nakakabangon. Maaring dahilan, ang likas na pagiging matulungin sa kapwa at matibay na pananampalataya sa panginoon ang nagbibigay sa atin ng lakas na tumayo at lumaban upang mabuhay.

Ngunit tila bagang, sinusubukan ang pagiging “resilient”, dahil sa lumalalang climate crisis, nahaharap tayong mga Pilipino sa matinding hamon dulot ng tinaguriang 2026-2027 Godzilla super El Niño na sinasabing pinakamatindi sa nakalipas na 1,000-taon.

Sinasabi ng mga weather specialist na ang Pacific ocean ang nagdi-determina kung magiging maulan at tuyot ang lagay ng panahon sa Pilipinas. Sa kabilang banda, ang Indian ocean ang nagdidikta sa lakas at kailan tatama ang 2-weather extremes.

Base sa Philippine rainfall crisis sa sinasabing 2026-2027 super El Niño at Indian Ocean variability, mangyayari ito sa dalawang yugto: Matinding pagbaha sa gitna ng negative Indian Ocean Dipole (IOD) mula Hulyo hanggang September 2026, susundan nang mabilis na yugto ng tagtuyot (drought) mula October 2026 hanggang May 2027.

Ayon sa mga eksperto, ang El Niño-Southern Oscillation (ENSO) ay itinuturing na pangunahing nagtutulak ng rainfall variability., Sinasabi naman sa isang “hydrological research” na ang Philippine rainfall binubuo ng magkasamang ENSO, Indian Ocean Basin Wide (IOBW) warming at Indian Ocean Dipole Mode (IODM).

Sa research ni Dr. Glenn Tabios III ng University of the Philippines, base sa datos mula 1980 at 2022, lumalabas na pinapahina ng IOBW warming ang southwest monsoon, o Habagat, mula Hunyo hanggang Agosto habang ang IODM ay lumalakas mula September hanggang November, isang kritikal na panahon ng anihan at dam replenishment.

Nakakabahala ang delubyong ito Kapanalig, hindi pa tumatama ang super El Niño, 72-milyong Pilipino o 52-percent ng pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap noong March 2026. Ito ay base sa poverty incidence report ng Philippine Statistic Authority.

Ang tanong, tayo ba ay nakahanda? Nakahanda ba ang pamahalaan sa napipintong trahedya dulot ng super El Nino?
Kapanalig, upang matugunan ang hamon ng tagtuyot, nangangailangan ito ng nagkakaisa., nagtutulungan na mga Pilipino. Buhayin ang diwa ng “bayanihan”. Patatagin ang ating pananampalataya.

Kapanalig, sinasabi ng ISAIAH 41:10- “Fear not, for I am with you; be not dismayed, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my righteous right hand.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 20,294 total reads

 20,294 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,526 total reads

 101,526 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 134,975 total reads

 134,975 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,273 total reads

 170,273 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 396,146 total reads

 396,146 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 20,298 total reads

 20,298 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,529 total reads

 101,529 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 134,978 total reads

 134,978 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,276 total reads

 170,276 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top