COMELEC, Tatalima sa Batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 65,846 total reads

Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga barangay at Sangguniang Kabataan o SK officials at naglipat sa susunod na halalan sa Nobyembre 2028.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni COMELEC Spokesperson Director Atty. John Rex Laudiangco na wala silang diskresyon na hindi ipatupad ang umiiral na batas.

“Tama po ‘yan, at wala po kaming diskresyon na hindi ipatupad ang batas. Kaya po kung ano ‘yung umiiral na batas, gaya po ngayon, Republic Act No. 12326, eh ‘yun po ‘yung aming ipapatupad po,” Bahagi pahayag ni Laudiangco sa Radyo Veritas.

Samantala, sinabi rin ni Laudiangco na welcome sa COMELEC ang anumang planong pagkuwestiyon sa Supreme Court sa bagong batas, gayundin ang iba pang legal challenge na naihain na kaugnay nito.

Ayon kay Laudiangco, makatutulong ang magiging desisyon ng Korte Suprema upang magkaroon ng higit na malinaw na jurisprudence at pamantayan para sa mga susunod na batas hinggil sa halalan.

“Maganda po ito dahil, alam niyo naman po, nag-i-increase po ito ng ating jurisprudence at malalaman natin… kung maglalatag man ang Supreme Court ng mga pamantayan, maganda po ito. At matututunan po nating lahat ito para sa future ng mga pag-aakda ng batas gaya po nito,” Dagdag pa ni Laudiangco.

Ibinahagi naman ni Laudiangco na hindi masasayang ang karamihan sa mga election materials na naihanda na ng COMELEC para sa halalang dapat sana ay idinaos ngayong Nobyembre 2026.

Ayon kay Laudiangco, maaari pa ring gamitin sa 2028 ang mga naimprentang balota, listahan, election returns at iba pang kagamitan, habang may ilang consumables lamang gaya ng indelible ink, na may limitadong shelf life kaya hiniling din ng COMELEC sa supplier na ipagpaliban muna ang delivery ng mga ito.

“Wala pong masasayang diyan kung talagang malilipat na ‘yung halalan natin sa November 13, 2028. Bakit? Eh ipag-uutos lamang po namin na ‘yung mga balotang naimprenta, ‘yung mga listahan, election returns, at lahat pa ay gamitin natin kahit pa iba ang petsa niyan,” Ani Laudiangco.

Sinabi rin ni Laudiangco na malaking bahagi ng natitirang pondo para sa halalan ay hindi pa nagagastos, kabilang ang humigit-kumulang ₱9 bilyon para sa honoraria ng mga gurong magsisilbi sana sa halalan, gayundin ang pondo para sa deployment at training.

Handa ang COMELEC sa posibleng pagbabago

Ipinaliwanag din ni Laudiangco na hindi maaaring basta isabay ang barangay at SK elections sa national at local elections dahil magkaiba ang kanilang sistema kung saan manual ang barangay at SK elections habang automated naman ang national at local elections.

Bagama’t maaaring magkaroon ng magkasunod na halalan sa 2028, sinabi ni Laudiangco na hindi inaasahan ng COMELEC na palaging magaganap ang mga ito sa parehong taon sa mga susunod na cycle.

Tiniyak din ng COMELEC na may mga contingency plan ito sakaling magkaroon ng bagong kautusan ang Supreme Court na makaaapekto sa itinakdang halalan.

“Kung sakali man po na hindi na namin kakayanin habulin pa ng November 2 dahil kakapusin po sa oras, nasa kapangyarihan naman po ng COMELEC na i-reset ang eleksyon—basta po ito ay sa loob ng 30 araw na kakayanin naming magawa na po muli ang halalan,” Ayon kay Laudiangco.
Ayon kay Laudiangco, sa gitna ng mga legal na hamon sa bagong batas, patuloy namang nakahanda ang COMELEC na ipatupad ang anumang magiging pinal at umiiral na kautusan ng batas at ng Korte Suprema kaugnay sa susunod na Barangay at SK Elections.

Sa pananaw ng Simbahan, mahalagang mapanatili ang tiwala ng mamamayan sa proseso ng halalan sa pamamagitan ng malinaw na impormasyon, pagsunod sa batas at paggalang sa mga institusyong may tungkuling mangasiwa at humusga sa mga usaping legal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,364 total reads

 38,364 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,112 total reads

 74,112 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,382 total reads

 300,382 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 193,850 total reads

 193,850 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 285,818 total reads

 285,818 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top