LENTE, tutol sa 5-taong termino ng Barangay at SK officials

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 65,345 total reads

Tutol ang Legal Network for Truthful Elections o LENTE sa pagpapalawig sa limang taon ng termino ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan o SK officials, na nagresulta sa pagpapaliban ng nakatakdang 2026 Barangay at SK Elections.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni LENTE Policy Specialist for Technology and Operations Atty. Helen Maureen Graido na naaapektuhan nito ang mandato ng mga botante at ang karapatan ng iba pang mamamayan na tumakbo sa halalan.
“Kapag ine-extend po natin o pino-postpone ang elections, tumataliwas po kasi tayo sa unang mandato sa atin ng mga botante. Kasi po kapag bumoboto po tayo… kasama na po doon ang expectation na ang pagsisilbi po nila bilang mga government leaders, bilang mga barangay officials, would only be for three years,” Bahagi ng pahayag ni Atty. Graido sa Radyo Veritas.

Sa ilalim ng Republic Act No. 12326, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Setyembre 24, 2026, itinakda sa limang taon ang termino ng mga barangay at SK officials, at ang susunod na halalan ay sa Nobyembre 2028.

Ayon kay Atty. Graido, hindi lamang karapatang bumoto ang usapin dahil naaapektuhan din nito ang pagkakataon ng ibang mamamayan na mahalal.

“Bukod sa pagboto, meron ding kasama din sa karapatan natin ‘yung tumakbo at mahalal. So kung ie-extend o ibabaguhin parati ang finish line, ‘yung mga nagnanais din po tumakbo, hindi rin po nila nae-exercise ‘yung right na ‘yun,” Dagdag pa ni Atty. Graido.

Partikular ding binigyang-pansin ng LENTE ang SK, dahil nakatuon ito sa sektor ng kabataan na inaasahang magsisilbi sa hinaharap ng pamayanan.

“Kung over-age na po ‘yung mga nagse-serve, maaari hindi na po sila in touch sa kinakailangan o sa mga hiling o dinidinig ng kanilang mga constituents,” Ayon pa kay Atty. Graido.

Sinabi rin ni Atty. Graido na dapat may malinaw at konkretong batayan ang pagpapalawig ng termino.
Giit ng LENTE, hindi sapat ang mga argumentong inilahad sa mga pagdinig ng Kongreso upang patunayang kinakailangan ang dagdag na dalawang taon sa termino ng barangay officials.

Samantala, inihayag din ng LENTE na naghahanda itong maghain ng petition sa Supreme Court upang kuwestiyunin ang bagong batas.

“Ang eleksyon po o ang pagpa-participate sa isang elections or exercising the right to suffrage is very fundamental po sa ating demokrasya. Kasi po, ‘di ba, ang kapangyarihan po ng ating mga opisyal ay nanggagaling sa atin. So nae-exercise po natin ‘yan through the elections,” Ani Graido.

Binanggit din ni Atty. Graido ang mga naunang desisyon ng Supreme Court tungkol sa pagpapaliban ng halalan at ang pangangailangan ng malinaw na pamantayan sa ganitong hakbang.

Matatandaang una na ring binigyang diin ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa halalan na mahalagang pangalagaan ang regular na halalan bilang paggalang at pagsusulong sa patas na karapatang bomoto ng mga botante sa halalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 20,423 total reads

 20,423 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 101,647 total reads

 101,647 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 135,096 total reads

 135,096 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 170,394 total reads

 170,394 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 396,259 total reads

 396,259 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top