Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 290,495 total reads

Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu. Ayon sa Department of Foreign Affairs, ginawa ito ng kinatawan ng Pilipinas bilang pakikiisa sa panawagan para sa kapayapaan sa Middle East sa pamamagitan ng pagpapatupad ng two-state solution. 

Sa ilalim ng balangkas na ito, hahayaan ang Palestine na magtatag ng sariling estado sakop ang mga lugar na kinaroroonan ng mga Palestino gaya ng West Bank at Gaza Strip. Samantala, ang Israel naman ay hihinto na sa pananakop sa ibang teritoryo at makukuntento na sa lugar kung nasaan ang mga mamamayan nitong Hudyo.

Pero patuloy na humaharap sa maraming hamon ang two-state solution. Kabilang dito ang tinatawag na “East 1 Settlement Plan” na naglalayong magtatag ng mga Jewish settlements mula East Jerusalem hanggang West Bank. Noong Agosto lamang, naglabas ang Ministry of Housing ng Israel ng notice na nag-aanyaya ng bids para sa pagtatayo ng mahigit 1,200 housing units. Sa madaling salita, sinasakop na ng Israel ang Palestine, bagay na itinuturing na ilegal sa ilalim ng international law.

Kaya paano maisasakatuparan ang two-state solution kung patuloy na nababawasan ang espasyong kailangan para maitatag ang State of Palestine?

Mahalaga ang tanong na ito dahil ang two-state solution ay nakasalalay sa pagkakaroon ng sapat na teritoryo para sa dalawang bansa. Nananatiling malinaw at matatag ang posisyon ng mga Santo Papa at Vatican sa usaping ito: ang two-state solution ang paraang makapagbibigay-daan sa tunay na katarungan at pangmatagalang kapayapaan sa bahaging iyon ng ating mundo.

Patuloy ang matinding pagdurusa ng mga Palestinians. Sa isang ulat ng UN Independent International Commission of Inquiry, sinabi nitong ang Israel ay nakagawa na ng apat na gawaing maituturing na genocide sa ilalim ng Genocide Convention. Ang mga ito ay ang pagpatay, pagdudulot ng matinding pinsala sa kalusugang pisikal at pangkaisipan ng mga tao, paglikha ng mga kondisyong naglalayong magdulot ng pagbubura sa mga Palestino sa Gaza, at mga hakbang na target pigilan ang pagkakaroon ng mga anak ng mga Palestino. 

Lumabas ang ulat na ito noong isang taon pa, pero hanggang ngayon nagpapatuloy ang ginagawang karahasan ng Israel sa Gaza. Bakit hindi pa rin ito tumitigil?

Mahalaga ang bawat buhay. Ang pagpatay at pagdurusa ng mga sibilyan ay hindi dapat maging normal o tanggapin bilang hindi maiiwasang bunga ng digmaan. Ang bawat tao ay may likas na dignidad at karapatang mabuhay na lubhang pinahahalagahan natin dapat bilang mga Kristiyano

Mahalaga rin ang international law. Para sa Pilipinas, na umaasa sa mga tuntunin ng international law sa pagtatanggol sa ating mga karapatan sa West Philippine Sea, mahalaga ring maging pare-pareho tayo sa paninindigan na dapat igalang ang mga batas na nagtatakda ng matiwasay na ugnayan ng mga bansa.

Sa gitna ng pagdurusa ng mga taga-Gaza sa harap ng panggigipit ng Israel at mga kaalyado nito, panghawakan natin ang paalala sa Mga Awit 29:11: “Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kanyang bayan; pagpapalain ng Panginoon ang kanyang bayan ng kapayapaan.” Ang kapayapaang ipinapanalangin natin ay nakaugat sa katarunggan, dignidad, at paggalang sa buhay ng bawat tao—hindi lamang sa kawalan ng digmaan.

Mga Kapanalig, paalala rin sa atin ni Pope Leo XIV: “There is no future based on violence, forced exile, or vengeance.” Kaya piliin natin ang isang kinabukasan kung saan kapayapaan, kahinahunan, at katarungan ang namamayani. Patuloy sanang manindigan ang Pilipinas para sa mas mapayapang solusyon sa sigalot sa pagitan ng Palestine at Israel. Sa ganang atin naman, patuloy nating ipanalangin ang pananaig ng diyalogo kaysa karahasan, ng kapayapaan kaysa pagdurusa.

Sumainyo ang katotohanan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 22,082 total reads

 22,082 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 47,575 total reads

 47,575 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 118,016 total reads

 118,016 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 204,532 total reads

 204,532 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 247,554 total reads

 247,554 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 295,416 total reads

 295,416 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 47,576 total reads

 47,576 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 118,017 total reads

 118,017 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 204,533 total reads

 204,533 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 247,555 total reads

 247,555 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »
Scroll to Top