1,176 total reads
Tiniyak ng Quezon City Government na magiging malinaw ang mga lane markings, traffic signages, at iba pang gabay sa motorista sa mga interseksyon na saklaw ng muling ipinatutupad na No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Dexter Cardenas, Head ng Quezon City Government Traffic and Transport Management Department, na bahagi ng paghahanda ng lungsod ang pagsusuri sa kahandaan ng buong CCTV system at pagtiyak na kumpleto ang mga impormasyong kailangan ng mga motorista bago sila makarating sa mga lugar na may NCAP cameras.
“We just want to make sure na ‘yung mga lane markings and signages are present doon sa mga intersections na paglalagyan po natin ng CCTV cameras, para ‘yung ating mga motorista, when they reach that intersection, ay klarong-klaro, kitang-kita ‘yung presence of lane markings, signages, and lahat ng information to guide ‘yung ating mga motorista not to commit a violation.” Bahagi ng pahayag ni Cardenas sa Radyo Veritas.
Ayon kay Cardenas, nais din ng lungsod na matiyak na malinaw ang kuha ng mga camera upang makita mismo ng motorista ang batayan ng inilabas na Notice of Violation.
“We just want to make sure na ‘yung technical capability ng camera ay when the violator receives the Notice of Violation, kitang-kita niya at klarong-klaro na tama ‘yung mga huli po.” Dagdag pa ni Cardenas.
Nilinaw din ni Cardenas na saklaw ng NCAP cameras ang parehong private vehicles at public utility vehicles na lalabag sa mga traffic signages, lane markings, at traffic lights.
“Para sa lahat po ‘yun. Both private and public utility vehicles are under the scrutiny ng ating NCAP CCTVs. So lahat po ng magvi-violate ng traffic signages and lane markings, or traffic lights, ‘yun po ‘yung makaka-capture ng ating camera.” Ayon pa kay Cardenas.
Noong October 5, 2026 muling ipinatupad ang pagbabalik ng sistema ng NCAP sa ilang lungsod sa Metro Manila na kinabibilangan ng Quezon City, Manila, Muntinlupa, Parañaque, at San Juan.
Ipinaliwanag din ni Cardenas na uniform ang fines and penalties para sa mga traffic violation sa Metro Manila, alinsunod sa umiiral na standardized traffic rules kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa muling pagpapatupad ng NCAP, mahalaga para sa mga motorista ang pagsunod sa mga traffic rules, gayundin ang pagbibigay-pansin sa mga lane markings at signages upang maiwasan ang mga paglabag at mapanatili ang kaligtasan sa




