Holy Shroud of Turin, isang makapangyarihang kasangkapan sa ebanghelisasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,657 total reads

Inihayag ng isang sindonologist na hindi lamang tanda ng pagpapakasakit ni Hesukristo ang Holy Shroud of Turin kundi isang makapangyarihang kasangkapan sa ebanghelisasyon sa pagbabalik-loob ng mga tao.

Ayon kay Fr. Joseph Andrew Spence, FFM, mahalaga ang Shroud bilang instrumento upang mas mailapit ang mga tao sa pagdurusa ni Kristo at sa pag-ibig na kanyang ipinamalas para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

“The shroud is a very powerful tool for evangelization,” ani Fr. Spence.

Paliwanag ng pari na makatutulong ang Holy Shroud para mapalalim ang pag-unawa ng mga mananampalataya sa pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesus.

“The shroud can just give us again so many details on the passion of Christ,” dagdag ng pari.

Samantala, sinabi ni Sr. Claudine Laurice Esguerra, MSHFJ, coordinator ng Holy Face of Jesus Devotion Propagation, na isa sa mga pangunahing bungang iniuugnay nila sa debosyon sa Holy Face of Jesus ang pagbabalik-loob ng mga tao.

“Usually po ay conversion of sinners talaga yung first miracle. Actually, the congregation was founded because of that,” ani Sr. Claudine.

Ibinahagi ng madre ang salaysay ng maraming deboto kung paano muling nailalapit sa Diyos at sa Simbahan ang kanilang mga asawa at kaanak dahil sa kanilang debosyon.

Ayon kay Sr. Claudine, ang karanasang ito ang naging bahagi ng inspirasyon sa pagtatatag ng kanilang kongregasyon matapos makita ng kanilang foundress, na si Mo. Teresa Vicente, ang epekto ng unang Holy Shroud exhibit sa Manila Cathedral noong 1976.

Samantala, bagama’t patuloy na pinag-aaralan ang authenticity ng Shroud, binigyang-diin ni Fr. Spence na hindi ito maaaring ituring na isang bagay na mapatutunayan nang may ganap na siyentipikong katiyakan.

“We’ll never have scientific certainty because no one was in the empty tomb… What we can reach though is… moral certainty,” ani Fr. Spence.

Sinabi ng pari na ang mga markang makikita sa Shroud ay makatutulong upang higit pang maunawaan ang pagpapakasakit ni Kristo.

Aniya, nakapagtala ang mga eksperto ng 372 magkakahiwalay na sugat sa katawan ng isang lalaki na nakikita sa Shroud, kabilang ang mga bakas ng paghampas at mga sugat sa tagiliran.

Gayunpaman, sa diwa ng pananampalataya, sinabi ni Sr. Claudine na malinaw ang pagkakakilanlan ng lalaking nakikita sa Shroud.

“If you’re a believer, you say that the man on the shroud is Jesus of Nazareth,” ani Sr. Claudine.

Patuloy namang dadalhin sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang debosyon at mga exhibit kaugnay ng Holy Shroud, kabilang ang nakatakdang exhibit sa Most Holy Rosary Parish sa Jose Panganiban, Camarines Norte, mula October 23 hanggang 26.

Kasalukuyang nasa exhibit sa Manila Cathedral ang replica ng Holy Shroud of Turin hanggang October 16, kung saan tampok dito ang mga replica ng isang three-dimensional image ng taong nasa Shroud, Passion relics, at iba pang larawan at relikya na kaugnay ng debosyon sa Banal na Mukha ni Hesus.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 21,931 total reads

 21,931 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 47,176 total reads

 47,176 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 117,643 total reads

 117,643 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 204,159 total reads

 204,159 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 247,181 total reads

 247,181 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 295,057 total reads

 295,057 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top