Nuestra Señora La Virgen del Pilar, tulay ng pagkakaisa ng magkakaibang pananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 49,564 total reads

Itinuturing na mahalagang tulay ng pagkakaisa at dayalogo ng iba’t ibang relihiyon ang debosyon sa Nuestra Señora La Virgen del Pilar sa Zamboanga City, kung saan maging ang mga Muslim ay dumadayo sa dambana upang manalangin at magsindi ng kandila.

Ayon kay Fr. Celson Manalo II, shrine administrator ng Archdiocesan Shrine of Our Lady of the Pillar, ipinamamalas nito ang natatanging debosyon sa patrona ng Zamboanga City kung saan pinagbubuklod ang bawat isa kabila ng pagkakaiba-iba ng pananampalataya.

“Hindi lang po ang mga Katoliko ang pumupunta rito. Ang daming pumupunta, lalo na ang mga kapatid nating Muslim. Nagdarasal din po talaga sila at nagsisindi ng kandila,” pahayag ni Fr. Manalo sa panayam ng Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng pari na naaayon sa diwa ng synodality ang natatanging debosyon sapagkat nagsisilbing tagpuan ng iba’t ibang relihiyon ang dambana ng Birhen del Pilar, kung saan naisasabuhay ang sama-samang paglalakbay ng sambayanan sa pamamagitan ng pakikinig, pakikibahagi, at pagkakaisa.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ang ika-292 na kapistahan ng Mahal na Birhen sa temang “Mary: Inspiration towards Synodal Stewardship,” na bahagi rin ng paghahanda para sa ika-300 na anibersaryo ng debosyon kay Maria sa Fort Pilar.

Ayon kay Fr. Manalo, isinasaalang-alang sa taunang tema ang mga pangangailangan at mahahalagang usapin ng lokal na Simbahan ng Zamboanga.
Ibinahagi rin ng pari ang mga hakbang sa pagpapatibay ng debosyon, kabilang na rito ang planong isulong ang pagkilala sa Fort Pilar Shrine bilang pambansang dambana.

“We are also planning and engaging with the CBCP para maging National Shrine ang Our Lady of the Pillar,” dagdag ng pari.

Hinimok din ni Fr. Manalo ang mga deboto mula sa iba’t ibang lugar na patuloy na dumulog sa Mahal na Birhen at manalangin para sa kaligtasan ng mga mamamayan at mga deboto sa Zamboanga.

Batay sa kasaysayan, nagsimula ang debosyon nito noong 1635 nang itatag ng mga Espanyol ang kutang unang tinawag na Real Fuerza de San José bilang pananggalang laban sa mga pag-atake.

Noong 1734, pinalitan ang pangalan ng kuta bilang Real Fuerza de Nuestra Señora La Virgen del Pilar de Zaragoza matapos mailuklok ang imahe ng Birhen del Pilar na dinala mula sa Zaragoza, Spain.

Natatangi ang dambana ng Fort Pilar dahil ito ay isang outdoor shrine na kinilala bilang National Cultural Treasure noong August 1, 1973 at itinalaga bilang archdiocesan shrine noong October 8, 2025.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 22,395 total reads

 22,395 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 48,161 total reads

 48,161 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 118,585 total reads

 118,585 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 205,101 total reads

 205,101 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 248,123 total reads

 248,123 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 295,963 total reads

 295,963 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top