Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, PEBRERO 11, 2024

SHARE THE TRUTH

 11,900 total views

Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Levitico 13, 1-2. 44-46
Salmo 31, 1-2. 5. 11

Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.

1 Corinto 10, 31 – 11, 1
Marcos 1, 40-45

Sixth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Levitico 13, 1-2. 44-46

Pagbasa mula sa aklat ng Levitico

Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Kung ang balat ninuman ay magbago ng kulay, mamaga o kaya’y magkaroon ng singaw na parang ketong, dadalhin siya kay Aaron o sa mga anak niyang saserdote. Ituturing siyang marumi at di ito dapat kaligtaang ipahayag ng saserdote.

“Ang mga may ketong ay dapat magsuot ng sirang damit, hindi magsusuklay, tatakpan ang kanyang nguso at laging sisigaw ng, ‘Marumi! Marumi!’ Hanggang may sugat, siya’y ituturing na marumi at sa labas ng kampamento mamamahay na mag-isa.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 31, 1-2. 5. 11

Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.

Mapalad ang tao na pinatawad na yaong kasalanan,
at nalimot na rin ang kanyang nagawang mga pagsalansang;
mapalad ang taong sa harap ng Poon ay di naparatangan
dahilan sa siya ay di nagkasala at hindi nalinlang.

Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.

Ako ay lumapit sa iyong harapan at sala’y inamin,
ang aking ginawang mga pagsalansang di ko inilihim;
pinagpasiyahan kong ang lahat ng ito sa iyo’y idaing,
at aking natamo ang iyong patawaf sa sala kong angkin.

Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.

Lahat ng matuwid at tapat sa Poon, magalak na lubos,
dahil sa natamo nilang kabutihang kaloob ng Diyos;
sumigaw sa galak ang lahat ng taong sa kanya’y sumunod.

Sa ‘yong tulong at pagtubos
ako’y binigyan mong lugod.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 10, 31 – 11, 1

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:

Kung kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos. Huwag kayong maging sanhi ng pagkakasala ninuman – ng mga Judio, ng mga Griego, o mga kaanib sa simbahan ng Diyos. Ang sinisikap ko nama’y mabigyang-kasiyahan ang lahat ng tao sa bawat ginagawa ko; hindi ko hinahanap ang sarili kong kapakanan kundi ang kapakanan ng marami, upang maligtas sila.

Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Kristo.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Lucas 7, 16

Aleluya! Aleluya!
Narito at dumating na
isang dakilang propeta
sugo ng D’yos sa bayan n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 1, 40-45

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may isang ketonging lumapit kay Hesus, nanikluhod at nagmakaawa: “Kung ibig po ninyo’y mapagagaling ninyo ako.” Nahabag si Hesus at hinipo siya, sabay ang wika, “Ibig ko. Gumaling ka!” Noon di’y nawala ang ketong at gumaling ang tao. Pinaalis siya agad ni Hesus matapos ang ganitong mahigpit na bilin: “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pasuri ka sa saserdote. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises, upang patunayan sa mga tao na ikaw ay magaling na.” Ngunit umalis siya at bagkus ipinamalita ang nangyari, anupat hindi na hayagang makapasok ng bayan si Hesus. Naroon na lamang siya sa labas, sa mga ilang na pook, at doon pinagsasadya ng mga tao buhat sa iba’t ibang dako.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Pinasisigla ng walang pasubaling pagtugon ni Hesus sa pakiusap ng isang ketongin, buong pananalig nating idulog sa kanya ang ating mga kahilingan:

Panginoon, dinggin mo kami!

Nawa’y ang pamayanan ng mga sumasampalataya, sa gabay ng halimbawa ng kanilang mga namumuno, ay kumalinga sa mga maysakit na tulad ng ipinakita ni Hesus sa mga ketongin ng kanyang panahon. Manalangin tayo!

Nawa’y lahat ng sumasampalataya ay masiglang magpagaling sa kanilang karamdamang espirituwal kung paanong pinanabikan nilang gumaling sa kanilang mga sakit na pisikal. Manalangin tayo!

Nawa’y lahat ng nasa paglilingkod pangkalusugan ay tumupad sa kanilang tungkulin di lamang nang buong husay kundi nang buo ring pakikiisa sa kanilang mga kapatid. Manalangin tayo!

Nawa’y lahat ng kalahok sa espirituwal na pagpapagaling ay makatupad sa kanilang tungkulin nang buong ingat at habag na tulad ng kay Kristo. Manalangin tayo!

Nawa’y lahat tayo ay laging magbigay-luwalhati sa Diyos sa lahat ng ating isipin, sabihin, o gawain. Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, Banal na Tagapagpagaling, gawin mo kaming matatag upang kami man ay maging mga kasangkapan ng iyong nakagagaling na pagmamahal. Ikaw na nabubuhay at nakapagliligtas magpakailanman.

Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 75,631 total views

 75,631 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 140,759 total views

 140,759 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 101,379 total views

 101,379 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 163,036 total views

 163,036 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 182,993 total views

 182,993 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 39,262 total views

 39,262 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 39,493 total views

 39,493 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 39,999 total views

 39,999 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 29,301 total views

 29,301 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 29,410 total views

 29,410 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top