Pagbabalik bayan ni Veloso, ikinatuwa ng CBCP-ECMI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,160 total reads

Pagbabalik bayan ni Veloso, ikinatuwa ng CBCP-ECMI

Ikinagalak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commision on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) na makakauwi na ng Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang Overseas Filipino Worker na nahatulan ng kamatayan noong 2010 sa Indonesia dahil sa kaso ng Drug Trafficking.

Ayon kay CBCP-ECMI Vice-chairman Antipolo Bishop Ruperto Santos, tunay na nakakagalak ang desisyon ng Indonesia at ni Indonesian President Prabowo Subianto na pauwiin ng Pilipinas si Veloso matapos ang 14-taong pagkakakulong.

“Today, we celebrate a moment of immense joy and relief as President Ferdinand Marcos
Jr. has confirmed that after 14 long years of imprisonment, Mary Jane Veloso will finally be transferred back home to the Philippines. This news brings hope and happiness to her family and all those who have tirelessly advocated for her release,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Pagpapakita din ito ayon pa sa Obispo ng kapangyarihan ng pananampalataya at pananalig ng sambayanang Pilipino upang mapanatiling ligtas si Veloso mula sa death row dahil sa drug trafficking.

Simbolo din ito na sa pamamagitan ng pagkakaisa at suporta ng sambayanan ay natutupad ang mga panalangin at himala, at upang iparating kay Veloso o sa kaniyang Pamilya na naiwang nangagnamba sa Pilipinas ang pakikiisa ng sambayanan at ng simbahan.

“Mary Jane’s journey is a testament to the answered prayers of many. It is where the power of faith, perseverance, and the unwavering support of a united community prevailed,” bahagi pa ng mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

November 20 ng ianunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na makakauwi na sa Pilipinas si Mary Jane Veloso matapos ang 14-taon pagkakakulong kung saan simula po noong 2010 idinaos ang mga pakikipag-ugnayan o dayalogo ng pamahalan ng Pilipinas sa Indonesia.

Ang desisyon ng Indonesia ay ilang araw lamang ang makalipas matapos ihayag ng pamahalaan na pinag-aaralan na ng Indonesiya ang posibilidad ng paglilipat kay Veloso sa mga kulungan ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 75,371 total reads

 75,371 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 123,142 total reads

 123,142 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 171,013 total reads

 171,013 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 274,960 total reads

 274,960 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 357,547 total reads

 357,547 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top