Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Miyerkules, Pebrero 5, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,643 total views

Paggunita kay Santa Agata (Agueda), dalaga at martir

Hebreo 12, 4-7. 11-15
Salmo 102, 1-2. 13-14. 17-18a

Pag-ibig mo’y walang hanggan
sa bayan mong nagmamahal.

Marcos 6, 1-6

Memorial of St. Agatha, Virgin and Martyr (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Hebreo 12, 4-7. 11-15

Pagbasa mula sa sulat sa Mga Hebreo

Mga kapatid, hindi pa humahantong sa pagdanak ng inyong dugo ang pakikitunggali ninyo sa kasalanan. Nalimutan na ba ninyo ang pangaral ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya – mga salitang nagpapalakas ng loob ninyo?

“Anak, huwag kang magwalang-bahala kapag itinutuwid ka ng Panginoon,
At huwag panghinaan ng loob kapag ikaw ay pinarurusahan niya.
Sapagkat pinarurusahan ng Panginoon ang mga iniibig niya,
At pinapalo ang itinuturing niyang anak.”

Tiisin ninyo ang lahat bilang pagtutuwid ng isang ama, sapagkat ito’y nagpapakilalang kayo’y inaari ng Diyos na kanyang mga anak. Sinong anak ang hindi itinuwid ng kanyang ama? Habang tayo’y itinutuwid hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis. Ngunit pagkaraan niyon, lalasap tayo ng kapayapaang bunga ng matuwid na pamumuhay.

Kaya’t palakasin ninyo ang inyong lupaypay na katawan at tipunin ang nalalabi pang lakas! Lumakad kayo sa daang matuwid upang hindi tuluyang mapilay, kundi gumaling ang paang nalinsad.

Magpakabanal kayo at sikaping makasundo ang inyong kapwa, sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito. Pag-ingatan ninyong huwag talikdan ninuman sa inyo ang pag-ibig ng Diyos. Ingatan ninyong huwag sumama ang sinuman sa inyo at makagulo at makahawa pa sa iba.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 13-14. 17-18a

Pag-ibig mo’y walang hanggan
sa bayan mong nagmamahal.

Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Pag-ibig mo’y walang hanggan
sa bayan mong nagmamahal.

Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya
gayun siya nahahabag sa may takot sa kanya.
Alam niya na alabok, yaong ating pinagmulan,
alam niyang babalik din sa alabok kung mamatay.

Pag-ibig mo’y walang hanggan
sa bayan mong nagmamahal.

Ngunit ang pag-ibig ng Diyos ay tunay na walang hanggan,
sa sinuman sa kanya’y may takot at pagmamahal;
Ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan.
yaong magtatamo nito’y ang tapat sa kanyang tipan.

Pag-ibig mo’y walang hanggan
sa bayan mong nagmamahal.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan,
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 6, 1-6

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, si Hesus ay nagtungo sa sariling bayan, kasama ang kanyang mga alagad. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga. Nagtaka ang maraming nakarinig sa kanya at nagtanong, “Saan niya nakuha ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga kababalaghan? Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago at Jose, Judas at Simon? Dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?” At siya’y ayaw nilang kilanlin. Kaya’t sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang propeta’y iginagalang ng lahat, liban lamang ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay.” Hindi siya nakagawa ng anumang kababalaghan doon, maliban sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ilang maysakit upang pagalingin ang mga ito. Nagtaka siya sapagkat hindi sila sumampalataya. At nilibot ni Hesus ang mga nayon sa paligid upang magturo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Tinanggihan si Jesus ng sariling niyang kababayan. May pananalig nating tanggapin siya bilang ating Panginoon at Tagapagligtas.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng karunungan at lakas, basbasan Mo kami.

Ang mga namumuno sa Simbahan nawa’y ipahayag ang Salita ng Diyos nang may katapangan at isabuhay ito nang may pananalig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga Kristiyano nawa’y maging maalab sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos sa mundong hindi naniniwala sa kanya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero nawa’y magkaroon ng tiyaga at hindi manghina ang kalooban sa paghahasik ng mensahe ng Diyos sa mga pook na hindi bukas sa pagtanggap dito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at yaong mga nabibigatan sa buhay nawa’y makita ang pag-ibig at pagkalinga ng Diyos sa pamamagitan ng malasakit ng kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magtamasa ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, buksan mo ang aming mga puso sa iyong Salita. Patawarin mo kami sa mga pagkakataong tinanggihan naming makinig sa iyong katotohanan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 12,562 total views

 12,562 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 38,310 total views

 38,310 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 100,339 total views

 100,339 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 120,326 total views

 120,326 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 134,535 total views

 134,535 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 37,259 total views

 37,259 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 37,490 total views

 37,490 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 37,990 total views

 37,990 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 27,698 total views

 27,698 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 27,807 total views

 27,807 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top