Linggo, Hulyo 6, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,217 total views

Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Isaias 66, 10-14k
Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. 16 at 20

Sangkalupaang nilalang
galak sa Poo’y isigaw.

Galacia 6, 14-18
Lucas 10, 1-12. 17-20

Fourteenth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Isaias 66, 10-14k

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Magalak ang lahat,
magalak kayo dahil sa Jerusalem,
ang lahat sa inyo na may pagmamahal,
wagas ang pagtingin;
Kayo’y makigalak at makipagsaya,
lahat kayong tumangis para sa kanya.
Tatamasahin ninyo ang kasaganaan niya
tulad ng sanggol sa dibdib ng kanyang ina.
Sabi pa ng Panginoon:
“Padadalhan kita ng walang
katapusang pag-unlad.
Ang kayamanan ng ibang bansa
ay dadaloy sa iyong tila agos ng ilog.
Ang makakatulad mo’y sanggol
na buong pagmamahal na inaaruga ng kanyang ina.
Aaliwin kita sa Jerusalem,
tulad ng pag-aliw ng ina sa kanyang anak.
Ika’y magagalak pag nakita mo
ang lahat ng ito,
ikaw ay lalakas at lulusog,
sa gayun, malalaman mong
Akong Panginoon ang kumakalinga
sa mga tumatalima sa akin.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. 16 at 20

Sangkalupaang nilalang
galak sa Poo’y isigaw.

Sumigaw sa galak ang mga nilalang!
At purihin ang Diyos na may kagalakan;
wagas na pagpuri sa kanya’y ibigay!
Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila:
“Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga.”

Sangkalupaang nilalang
galak sa Poo’y isigaw.

Ang lahat sa lupa ika’y sinasamba
awit ng papuri yaong kinakanta;
ang iyong pangala’y pinupuri nila.
Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan.
Ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.

Sangkalupaang nilalang
galak sa Poo’y isigaw.

Naging tuyong lupa kahit yaong tubig,
at ang nuno natin ay doon tumawid;
kaya naman tayo’y nagalak nang labis.
Siya’y naghaharing may lakas ang bisig.

Sangkalupaang nilalang
galak sa Poo’y isigaw.

Lapit at makinig, ang nagpaparangal
sa Diyos, at sa inyo’y aking isasaysay
ang kanyang ginawang mga kabutihan.
Purihin ang Diyos! Siya’y papurihan,
yamang ang daing ko’y kanyang pinakinggan,
at ang pag-ibig n’ya ay aking kinamtan.

Sangkalupaang nilalang
galak sa Poo’y isigaw.

IKALAWANG PAGBASA
Galacia 6, 14-18

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid:
Ang krus lamang ng ating Panginoong Hesukristo ang siya kong ipinagmamapuri. Sapagkat sa pamamagitan ng kanyang krus, ang sanlibuta’y patay na para sa akin at ako’y patay na para sa sanlibutan. Hindi mahalaga kung tuli man o hindi ang isang tao. Ang mahalaga’y ang pagiging bagong nilalang. Sa lahat ng namumuhay ayon sa tuntuning ito, at sa mga nananatiling tapat na bayan ng Diyos, nawa’y sumakanila ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos!

Kaya mula ngayon, huwag nang dagdagan ninuman ang aking tiisin. Sapat na ang mga pilat ko, para makilalang ako’y alipin ni Hesus.

Mga kapatid, sumainyo nawa ang lahat ng pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo. Amen.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Colosas 3, 15a. 16a

Aleluya! Aleluya!
Kapayapaan ni Kristo
at Salita n’yang totoo
nawa’y manahan sa inyo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 10, 1-12. 17-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, ang Panginoon ay humirang pa ng pitumpu’t dalawa. Pinauna niya sila nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na patutunguhan niya. Sinabi niya sa kanila, “Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa may-ari na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang bukirin. Humayo kayo! Sinusugo ko kayong parang mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng lukbutan, supot, o panyapak. Huwag na kayong titigil sa daan upang makipagbatian kaninuman. Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, sasakanila ang kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila magkakamit nito. Manatili kayo sa bahay na inyong tinutuluyan; kanin ninyo at inumin ang anumang idulot sa inyo – sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng kanyang upa. Huwag kayong magpapalipat-lipat ng bahay. Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kanin ninyo ang anumang ihain sa inyo; pagalingin ninyo ang mga maysakit doon at sabihin sa bayan, ‘Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo.’ Ngunit sa alinmang bayang hindi tumanggap sa inyo, lumabas kayo sa mga lansangan nito at sabihin ninyo, ‘Pati ang alikabok dito na dumikit sa aming mga paa ay ipinapagpag namin bilang babala sa inyo. Ngunit pakatandaaan ninyo nalapit na sa inyo ang paghahari ng Diyos!’ Sinasabi ko sa inyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang kaparusahan ng mga tao sa bayang yaon kaysa dinanas ng mga taga-Sodoma!”

Bumalik na tuwang-tuwa ang pitumpu’t dalawa. “Panginoon,” sabi nila. “kahit po ang mga demonyo ay sumusunod kapag inutusan namin, sa ngalan ninyo.” Sumagot si Hesus, “Nakita ko ang pagkahulog ni Satanas mula sa langit – parang kidlat. Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tumapak sa mga ahas at mga alakdan, at yumurak sa kapangyarihan ng kaaway. Walang makapipinsala sa inyo. Gayunman, magalak kayo, hindi dahil sa suko sa inyo ang masasamang espiritu kundi dahil sa nakatala sa langit ang pangalan ninyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya: Maikling Pagbasa
Lucas 10, 1-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, ang Panginoon ay humirang pa ng pitumpu’t dalawa. Pinauna niya sila nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na patutunguhan niya. Sinabi niya sa kanila, “Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa may-ari na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang bukirin. Humayo kayo! Sinusugo ko kayong parang mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng lukbutan, supot, o panyapak. Huwag na kayong titigil sa daan upang makipagbatian kaninuman. Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, sasakanila ang kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila magkakamit nito. Manatili kayo sa bahay na inyong tinutuluyan; kanin ninyo at inumin ang anumang idulot sa inyo – sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng kanyang upa. Huwag kayong magpapalipat-lipat ng bahay. Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kanin ninyo ang anumang ihain sa inyo; pagalingin ninyo ang mga maysakit doon at sabihin sa bayan, ‘Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Higit na malawak ang larangan ng pangangaral ngayon kaysa noong panahon ni Hesus. Lalo ring malaki ang pangangailangan sa mga misyonero, pari, madre, dyakono, mga laiko, katekista, at iba pang tagapaglingkod sa Simbahan. Dumulog tayo sa Panginoon ng anihan upang manalangin:

Panginoon, magpadala ka ng manggagawa sa iyong anihan!

Magkaroon nawa ang Simbahan ng maraming manggagawa para sa pagpapalaganap ng Kaharian. Manalangin tayo!

Magkaroon nawa ng maraming pari at madre sa mga diyosesis at parokya para sa mga pangangailangang espirituwal ng buong pamayanan. Manalangin tayo!

Makilala nawa ng mga laikong mananampalataya sa ating mga pamayanan ang kahalagahan ng kanilang papel sa Simbahan at sa lipunan, at tapat nila itong gampanan. Manalangin tayo!

Maabot nawa ng mga misyonero ang mga bansa ng milyun-milyong di-Kristiyanong naghihintay ng pagpapahayag ng Kaharian. Manalangin tayo!

Tugunin nawa ng kabataan ang panawagan ni Hesus para sa buhay apostoliko. Manalangin tayo!

Upang tayong lahat ay matutong kumilatis at kumilala ng tamang daan sa buhay at nang ating mapahindian ang anumang naglalayo sa atin kay Kristo at sa Ebanghelyo, manalangin tayo!

Panginoong Hesus, ikaw ang dakilang misyonero ng Ama. Damihan mo ang mga apostol sa iyong Simbahan. Gawin mo silang banal, pagpalain ang kanilang mga pagsisikap na maghatid ng tanglaw ng iyong Ebanghelyo sa lahat ng tao. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen!

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 28,234 total views

 28,234 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 58,457 total views

 58,457 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 85,108 total views

 85,108 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 180,081 total views

 180,081 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 199,420 total views

 199,420 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hulyo 10, 2026

 1,554 total views

 1,554 total views Biyernes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 14, 2-10 Salmo 50, 3-4. 8-9. 12-13. 14 at 17 Pupurihin ko kailanman

Read More »

Huwebes, Hulyo 9, 2026

 2,944 total views

 2,944 total views Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin Zhao Rong, pari at martir, at mga Kasama, mga

Read More »

Miyerkules, Hulyo 8, 2026

 4,401 total views

 4,401 total views Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Hanapin ang Poon lagi,

Read More »

Martes, Hulyo 7, 2026

 5,325 total views

 5,325 total views Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 8, 4-7. 11-13 Salmo 113 B, 3-4. 5-6. 7ab-8. 9-10 Israel na bayan

Read More »

Lunes, Hulyo 6, 2026

 6,379 total views

 6,379 total views Lunes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Goretti, dalaga at martir Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top