Pagdamay sa mga manggagawa at tsuper, tiniyak ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,354 total reads

Tiniyak ng Simbahan ang patuloy nitong pakikiisa at pagdamay sa mga manggagawa at tsuper na humaharap sa mga pagsubok sa kanilang kabuhayan dulot ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo at suspension sa 85-pisong wage increase para sa mga minimum wage earners.

Ayon kay Radyo Veritas President Father Roy Bellen, sa kagyat na tulong na naibibigay sa mga nangangailangan, higit na mahalaga ang pagkakaisa, pagtutulungan at pagdamay sa kapwa.

Binigyang-diin ni Father Bellen na sa bawat pagsubok, mahalagang harapin ang bawat araw nang may tiwala sa awa at biyaya ng Diyos, dahil sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga tao at pagkalinga ng Diyos, sama-samang malalampasan ang anumang hamon.

“We might say, “Father mga ilang araw lang naman yan tulong mo. Ilang linggo nga even” pero, di matagal yan. Ang mahalaga po, we lived each day, one day at a time, with God’s grace and God’s Mercy. Sa huli po, we realise na yung grasya ng Diyos, tumutubo sa atin, yung tulungan, yung atin pong damayan and through all this, God will see us through. Sabi nga, ano mang pagsubok, pag meron pong tulungan ng tao at merong awa at grasya ng Diyos, ano mang bagay po, ating malalamanpasan, sama-sama,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas.s

Iginiit naman ni Father Noel Gatchalian, National Capital Region Chairman ng Church People Workers Solidarity o CWS, na mahalagang maging konkretong pagpapakita ng pananampalataya ang pagtulong sa mga manggagawa, partikular sa mga public utulity drivers na sapat lamang ang kinikita sa kabila ng malalaki nilang pananagutan sa pamilya.

Ayon kay Father Gatchalian, dapat higit na bigyang-pansin ang mga mahihirap, naaapi at higit na nangangailangan, sa halip na ituon lamang ang tulong sa mga taong kilala o may kapangyarihan dahil anitong paninindigan ay kaakibat ng aral ng Rerum Novarum ni Pope Leo XIII, na nagbibigay-diin sa dignidad ng paggawa at sa pananagutan ng lipunan na pangalagaan ang kapakanan at karapatan ng mga manggagawa, lalo na ng mga nasa mahirap na kalagayan.

” Ito nga po ang mga pagkakataong dapat natin silang tulungan. Sapagkat, alam naman natin na walang yumayaman na tsuper, na driver. Sapat lamang ang kanilang kinikita at napakalaki ng kanilang pananagutan. May anak, pamilya. Kaya nga itong pagkakataong ito na bilang simbahan, bilang mananampalataya sa Diyos, ipakita natin ang ating sampalayata sa pamamagitan ng pagtulong sa gawang konkreto. Ayan ang ating isakatuparan. Madalas, kagustuhan natin na tayo at tumulong sa mga kilala, sa mga may kapangyarihan ngunit ito ay higit sa lahat; sinabi nga ng Santo Papa, ang pangunahing pag hiling natin sa mga mahihirap, yan ang dapat nating tularan. Kung paano binibigyan ng pagpapahalaga ang mga naaapi, mga nahihirapan at may panganga ilangan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr. Gathalian.

Ito ang mensahe ng mga Pastol ng Simbahan sa ikalawang Krusada sa Pasada ng Radyo Veritas sa Hospicio de San Jose sa pakikipagtulungan ng Radyo Veritas, ASA Philippines, Church People Workers Solidarity at Daughters of Charity, Kabilang sa mga benepisyaryo ang 66 na jeepney drivers at 30 tricycle drivers, na nakatanggap ng tulong upang maibsan ang kanilang gastusin sa araw-araw na paghahanapbuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 201,629 total reads

 201,629 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 236,302 total reads

 236,302 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 252,202 total reads

 252,202 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 288,690 total reads

 288,690 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 295,285 total reads

 295,285 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top