Responsableng paggamit ng AI, tinalakay sa librong Artificial Intelligence and the Catholic Church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 804 total reads

Binigyang-diin ng dalawang Dominikanong theologian ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng Artificial Intelligence o AI, lalo na sa harap ng epekto nito sa trabaho, ekonomiya, katarungang panlipunan at ugnayan ng mga tao.

Ito ang isa sa mga pangunahing usaping tinalakay nina Leo-Martin Angelo R. Ocampo, OP at Ivan Efreaim A. Gozum, OP, mga may-akda ng aklat na “Artificial Intelligence and the Catholic Church: Challenges, Discernment and Hope in a Digital Age,” na inilunsad sa Manila International Book Fair 2026.

Ayon kay Ocampo, maaaring maging gabay ang aklat sa pag-unawa sa mga hamon at oportunidad na dulot ng AI sa iba’t ibang larangan, kabilang ang edukasyon, healthcare, pangangalaga sa nilikha, trabaho, ekonomiya at katarungang panlipunan.

Mahalaga aniya na suriin hindi lamang kung paano mapapakinabangan ng mga negosyo at iba’t ibang sektor ang technological advancement, kundi pati ang epekto nito sa mga manggagawa at sa lipunan. Kabilang dito ang mga usapin sa social justice na maaaring sumabay sa patuloy na pag-unlad at paggamit ng AI.

“Marami pong tinatalakay dito. Actually, meron education, para sa mga teachers; merong healthcare; nandiyan din po yung stewardship of creation. At nandiyan din yung work, economy, and justice. So, yung mga politiko, halimbawa, ano ba yung mga issues, social justice issues na kasama po ng AI? Marami po. We hope that there is something in it for everyone also,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Ocampo.

Binigyang-diin naman ni Gozum na ang AI ay isang puwersang patuloy na humuhubog sa mga tao at sa lipunan. Dahil dito, mahalagang gamitin ang mga turo ng Simbahang Katolika upang masuri ang mga pagbabagong dulot ng teknolohiya at matiyak na hindi maisasantabi ang dignidad ng tao, human intelligence at tunay na human encounter.

Kabilang din sa binigyang-pansin ni Gozum ang hamon ng AI sa evangelization dahil maaaring makalikha ang AI ng content o maging tila isang preacher, ngunit hindi nito mapapalitan ang presensya ng tao na mahalaga sa paghahatid at pag-unawa sa mensahe ng pananampalataya.

Samantala, ibinahagi ni Ocampo na nauna nang maisumite ang manuscript ng kanilang aklat bago pa lumabas ang Magnifica Humanitas ni Pope Leo XIV. Gayunman, magkaugnay aniya ang mga tema ng dalawang aklat tungkol sa AI, ethics, kapayapaan, katarungan at tungkulin ng tao.

Ayon naman kay Gozum, maaaring ituring ang kanilang aklat bilang companion sa Magnifica Humanitas, dahil inilalapat nito ang mga prinsipyo kaugnay ng AI sa mga ordinaryong sitwasyon na kinakaharap ng mga estudyante, guro, pari at iba pang tagapaglingkod ng Simbahan.

“Ang AI po, kayang gumawa ng preacher na magsabi sa inyo ng kung ano-ano, pero pwedeng sabihin niya, ‘God is good and all.’ But it is only our human presence that can help us really appreciate that God is truly good. For the Church, that’s very important, kasi may mga nagsasabi na mawawalan ng relevance ang Simbahan because of AI. But I think no, it’s more than ever that the Church needs to make people feel their presence in the age of artificial intelligence,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Gozum.

Inilathala ng Claretians Communications Foundation, Inc. ang aklat, na layong tulungan ang mga mambabasa na higit na maunawaan ang AI at gamitin ito nang responsable alinsunod sa kabutihang panlahat.

Mabibili ang aklat sa Claretian booth sa Kalye Katoliko sa Manila International Book Fair, gayundin sa Claretian Bookstore sa Quezon City, mga nangungunang online shopping applications gaya ng Shopee at Lazada, at iba pang religious stores.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 13,804 total reads

 13,804 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 37,550 total reads

 37,550 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 74,051 total reads

 74,051 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 294,675 total reads

 294,675 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 328,558 total reads

 328,558 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top