Pagiging bihag ng ISIS-Maute, espesyal na pagtawag ng Panginoon-Father Suganob

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 516 total reads

Ito ang nasumpungan ni Father Teresito “Chito” Suganob sa 116 araw na pagiging bihag ng Maute-Isis group nang lusubin ang Marawi City noong ika-23 ng Mayo taong kasalukuyan.

Sinabi ni Father Suganob na ang kanyang naranasan sa loob ng 116-araw na pagkakabihag ay kuwento ng pananampalataya at buhay.

“It is a story of faith. Kuwento talaga ng buhay at pananampalatya sa Panginoon. We face death every day. Dahil sa airstrikes, bomba ng kanyon, bala, tangke de giyera, giyera talaga. Kung makikita sa news hindi ka talaga bubuhayin. For me personally, I prepare myself to met death. Sabi ko lang kung bubuhayin ako sa Kanya na ‘yun. Pero kung hindi bibigyan kami ng pagkakataon na maghanda kung ano na ang mangyayari. And then wala kang ibang magawa at maisip kundi magdasal ito ang buhay ng tao. Nagtatanong man bakit ganito Lord. Pero, pasalamat pa rin sa puso, sa isip, inaasahan na nandiyan pa rin ang Panginoon. Nakikita niya ang lahat,” ayon kay Fr. Suganob.

Si Fr. Suganob ay ang vicar general, chancellor ng Prelatura ng Marawi at chaplain ng Mindanao State University na kabilang sa 13 katao na unang bihag ng mga terorista na dinukot mula sa St. Mary’s cathedral at Dansalan College sa Marawi.

Sa exlusibong panayam ng Radio Veritas sa launching ng Damay Kapanalig Marawi telethon, sinabi ni Father Suganob na sa gitna ng kawalang pag-asa at pagharap sa kamatayan ay tanging ang Panginoon pa rin ang magiging sandigan at siyang magpapasya sa mga pangyayari sa buhay ng tao.

Itinuturing din ng pari na espesyal ang pagtawag sa kanya ng panginoon dahil naranasan niya ang “sorrowful mystery” at naging instrumento ng milagro.

“Tinawag ako ng Panginoon at ginusto ko rin na susunod ako sa mga utos niya. Maging servants ng mga tao lalu na sa mahihirap, sa pangyayaring yun malalim na sabi ko, may ibang tawag ang Panginoon para sa akin. At saka, malalim na pag-ibig ang ipinakita ng Panginoon espesyal ako before kay Lord dahil naranasan ko kung ano ang sorrowful mystery. Pinakamahirap pero nandiyan ang Panginoon. Nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon na kahit na masakit at mahirap pero in a special way, espesyal ang pagtawag sa akin ng Panginoon. Bokasyon ko na maging instrumento ng milagro, hindi ko na inisip na lalabas pa ako ng buhay. Im prepared, binuhay pa niya ako, beyond my imagination para siguro ipaalam na Siya lang ang nakakaalam sa buhay ng tao – kung ano mangyari. Maari kang mamatay o maari kang mabuhay. We do not know. Kailangan lang ay ang pananalig sa Panginoon,” pagbabahagi ni Father Suganob.

Naniniwala ang pari na bilang taga-paglingkod ng Panginoon ay may iba pang dahilan ang Diyos kung bakit nananatili siyang buhay matapos ang karanasan sa digmaan.

Nagpapasalamat naman si Fr. Suganob sa pag-iral ng pagdadamayan at pagkakaisa ng mga bansa, mamamayan at ng mga relihiyon para sa muling pagbangon ng lungsod ng Marawi.

Ang limang buwan na digmaan sa Marawi City ay natapos nang mapatay ang mga lider ng Maute-Isis terrorist na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute na kabilang sa higit 900 teroristang napatay sa bakbakan.

Higit naman sa P50-bilyong piso ang kinakailangang pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi City dahil sa lawak ng pinsalang dulot ng digmaan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 11,038 total reads

 11,038 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 66,892 total reads

 66,892 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 152,258 total reads

 152,258 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 198,994 total reads

 198,994 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 246,866 total reads

 246,866 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 347,526 total reads

 347,526 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top