Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, DISYEMBRE 6, 2022

SHARE THE TRUTH

 1,828 total views

Martes ng Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon
o kaya Paggunita kay San Nicolas, obispo

Isaias 40, 1-11
Salmo 95, 1-2. 3 at 10ak. 11-12. 13

Ang ating D’yos ay darating
upang tayo ay tubusin.

Mateo 18, 12-14

Tuesday of the Second Week of Advent (White)
or Optional Memorial of St. Nicholas, Bishop (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 40, 1-11

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

“Aliwin ninyo ang aking bayan.” Sabi ng Diyos.
“Aliwin ninyo sila.”
Inyong ibalita sa bayang Jerusalem,
na hinango ko na sila sa pagkaalipin;
pagkat nagbayad na sila nang ibayo
sa pagkakasalang ginawa sa akin.
May tinig na sumisigaw:
“Ipaghanda ang Panginoon ng daan sa ilang;
isang patag at matuwid na lansangan para sa ating Diyos.
Tambakan ang mga lambak,
patagin ang mga burol at bundok
at pantayin ang mga baku-bakong daan.
Mahahayag ang kaningningan ng Panginoon
at makikita ng lahat.
Siya mismo ang nagsabi nito.”
“Magpahayag ka,” ang sabi ng tinig.
“Ano ang ipahahayag ko?” tanong ko.
Sumagot siya, “Ipahayag mong ang tao ay tulad ng damo,
ang kanyang buhay ay tulad lamang ng bulaklak sa parang.
Nalalanta ang damo
at ang mga bulaklak ay kumukupas,
kung sila’y mahipan ng hangin.
Ang tao nga ay tulad lamang ng damo.
Oo, ang damo’y nalalanta,
at kumukupas ang mga bulaklak,
ngunit ang salita ng Diyos ay hindi lilipas.”
At ikaw, O Jerusalem,
Mabuting Balita ay iyong ihayag,
ikaw, Sion,
umakyat ka sa tuktok ng bundok.
Ikaw ay sumigaw, huwag kang masisindak.
Sabihin sa Juda,
“Narito ang iyong Diyos!”
Dumarating ang Panginoon na Makapangyarihan
taglay ang gantimpala sa mga hinirang;
at tulad ng pastol,
yaong kawan niya ay kakalingain,
sa sariling bisig
yaong mga tupa’y kanyang titipunin;
sa kanyang kandungan ay pagyayamanin,
at papatnubayan ang tupang may supling.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 1-2. 3 at 10ak. 11-12. 13

Ang ating D’yos ay darating
upang tayo ay tubusin.

Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;
Panginoo’y papurihan nitong lahat sa daigdig!
Awitan ang Panginoon, ngalan niya ay purihin;
araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin.

Ang ating D’yos ay darating
upang tayo ay tubusin.

Kahit saa’y ipahayag na ang Poon ay dakila,
sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.
“Panginoo’y siyang hari,” sa daigdig ay sabihin,
“sa paghatol sa nilikha, lahat pantay sa paningin.”

Ang ating D’yos ay darating
upang tayo ay tubusin.

Lupa’t langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,
lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.
Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw,
pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.

Ang ating D’yos ay darating
upang tayo ay tubusin.

Ang Poon ay pupurihin, pagkat siya ay daratal,
paririto sa daigdig, upang lahat ay hatulan.
Tapat siya kung humatol at lahat ay pantay-pantay.

Ang ating D’yos ay darating
upang tayo ay tubusin.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Narito ang araw ng D’yos
darating upang matubos
tayong kanyang kinukupkop.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 18, 12-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may sandaang tupa kung maligaw ang isa sa mga iyon? Hindi kaya niya iiwan ang siyamnapu’t siyam na nanginginain sa kaburulan upang hanapin ang naligaw? Sinasabi ko sa inyo: kapag nasumpungan niya ito, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu’t siyam na hindi naligaw. Gayun din naman, hindi kalooban ng inyong Amang nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Martes

Ang Panginoon ang ating Pastol na nakakikilala sa bawat isa sa atin. Ialay natin ang ating mga panalangin sa Diyos nang may pagtitiwala sa kanyang pag-ibig para sa atin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Pastol, dinggin mo kami.

Ang Simbahan nawa’y maging isang buhay na tanda ng tunay na malasakit at lubos na pangangalaga para sa mga itinakwil ng ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nalihis sa landas ng kabutihan nawa’y marinig ang tinig ni Kristo, ang Mabuting Pastol, na tumatawag sa kanila upang magbalik sa kanya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y marinig ang tinig ng ating Panginoon na tumatawag sa kanila para sa pagbabagong-loob at pagtatalaga ng buhay para maglingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng nagdurusa at maysakit nawa’y makaunawa na mahal sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagkalinga at paglingap na ibinibigay natin sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw na ay makapasok nawa sa “pintuan ng kulungan” at magdiwang na kasama ng Pastol at bantay ng kanilang kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Pinakabutihing Ama, gabayan mo kami sa matuwid na landas. Dinggin mo ang aming mga panalangin at pagpalain mo ang bawat isa sa amin sa paraang ikaw ang higit na nakaaalam. Nawa’y makasunod kami kung saan mo kami akayin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 36,126 total views

 36,126 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 101,254 total views

 101,254 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 61,874 total views

 61,874 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 123,723 total views

 123,723 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 143,680 total views

 143,680 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 38,097 total views

 38,097 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 38,328 total views

 38,328 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 38,829 total views

 38,829 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 28,328 total views

 28,328 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 28,437 total views

 28,437 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top