HUWEBES, DISYEMBRE 15, 2022

SHARE THE TRUTH

 2,358 total views

Huwebes ng Ika-3 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Isaias 54, 1-10
Salmo 29, 2 at 4. 5-6. 11 at 12a at 13b

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

Lucas 7, 24-30

Thursday of the Third Week in Advent (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 54, 1-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

“Ikaw ay umawit, O babaing baog, tinig mo’y Itaas,
O ikaw na hindi nakararanas ng hirap sa panganganak.
Ang magiging supling mo’y higit na marami kaysa may asawa.”
Gumawa ka ng mas malaking tolda,
habaan mo ang mga tali at dagdagan ang tulos.
Ikaw ay kakalat sa buong daigdig,
mababalik sa iyo, Israel, ang lupaing nasakop ng ibang bansa;
ang mga lungsod na ngayon ay wasak,
ay gagawing tirahan ng maraming tao.
“Huwag kang matakot
pagkat hindi ka na hahalayin uli
ni aaglahiin pa,
malilimot mo nang ika’y
naging taksil na asawa,
pati malungkot na alalahanin ng pagiging balo.
Sapagkat ang iyong naging kasintaha’y
ang may likha sa iyo,
Siya ang Makapangyarihang Panginoon;
ililigtas ka ng Diyos ng Israel,
Siya ang hari ng lahat ng bansa.
Israel, ang katulad mo ay babaing bagong kasal,
iniwan ng asawa, batbat ng kalungkutan.
Ngunit tinawag kang muli ng Panginoon
sa kanyang piling at sinabi:
“Sandaling panahong kita’y iniwanan
ngunit dahil sa tapat kong pag-ibig,
muli kitang kukupkupin.
Sa tindi ng galit nilisan kita sandali,
ngunit habang panahon kong ipadarama sa iyo ang tapat kong pagmamahal.”
Iyan ang sabi ng Panginoon na nagligtas sa iyo.
“Nang panahon ni Noe,
Ako ay sumumpang di na mauulit
na ang mundong ito’y gunawin sa tubig.
Gayun din sa ngayon,
iiwasan ko nang sa iyo’y magalit
at hindi na kita parurusahan uli.
Maguguho ang mga bundok at ang mga burol,
ngunit ang pag-ibig ko’y hindi maglalaho,
at mananatili ang kapayapaang aking pangako.”
Iyan ang sinabi ng Diyos na Panginoon,
na nagmamahal sa iyo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 29, 2 at 4. 5-6. 11 at 12a at 13b

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

O Panginoon ko,
sa iyong ginawa, kita’y pinupuri’t ako’y iniligtas,
kaya kaaway ay di na nakuhang matuwa’t magalak.
Mula sa libingang
daigdig ng patay, hinango mo ako at muling binuhay;
ako, na kasama nilang napabaon sa kailaliman.

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

Purihin ang Poon,
Siya ay awitan ng lahat ng tapat na mga hinirang.
Iyong gunitain ang mga ginawa ng Diyos na Banal,
ang kanyang ginawa ay alalahanin at pasalamatan!
Hindi nagtatagal
yaong kanyang galit, at ang kabutihan niya’y walang wakas.
Ang abang may hapis at tigmak sa luha sa buong magdamag,
sa bukang-liwayway ay wala nang lungkot, kapalit ay galak.

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

Kaya’t ako’y dinggin,
Ikaw ay mahabag sa akin, O Poon, ako ay pakinggan,
mahabag ka, Poon! Ako ay dinggin mo at iyong tulungan.
Nadama ko’y galak nang iyong hubarin ang aking panluksa.
Sa pasasalamat sa iyo, O Poon, ay di magsasawa.

Poong sa aki’y nagligtas,
ang dangal mo’y aking galak.

ALELUYA
Lucas 3, 4. 6

Aleluya! Aleluya!
Daan ng Poong nar’yan na
t’wiri’t ihanda sa kanya.
Pagtubos n’ya’y makikita.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 7, 24-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Pagkaalis ng mga sinugo ni Juan, si Hesus ay nagsalita sa mga tao tungkol kay Juan. “Bakit kayo lumabas sa ilang? Ano ang ibig ninyong makita? Isang tambong inuugoy ng hangin? Ano nga ang ibig ninyong makita? Isang taong may maringal na kasuutan? Ang mga nagsusuot ng maringal at namumuhay sa karangyaan ay nasa palasyo ng mga hari. Ano nga ba ang ibig ninyong makita? Isang propeta? Oo. At sinasabi ko sa inyo, higit pa sa isang propeta. Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng Kasulatan:

‘Ipadadala ko ang aking sugo na mauuna sa iyo,
Ihahanda niya ang iyong daraanan.’
Sinasabi ko sa inyo: si Juan ang pinakadakila sa mga isinilang, ngunit dakila kaysa kanya ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos.”

Pinakinggan siya ng mga mamamayan, pati ng mga publikano. Ang mga ito’y sumunod sa kalooban ng Diyos nang pabinyag sila kay Juan. Subalit tinanggihan ng mga Pariseo at ng mga eskriba ang layunin ng Diyos sa kanila sapagkat hindi sila nagpabinyag kay Juan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Adbiyento
Huwebes

Ipinahayag ng mga propeta ang pagdating ng ating Manunubos. Sa pamamagitan ng pangangaral ng pagsisisi sa kasalanan, ibinalita ni Juan Bautista ang kanyang pagdating. Sa diwa ng pagsisisi, hilingin natin ang tulong ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga panalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ituro mo sa amin ang iyong daan.

Ang Santa Iglesya nawa’y maihayag ang kaluwalhatian ng Panginoon at maipakita sa lahat ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinunong Kristiyano nawa’y maging kasangkapan ng katotohanan at katarungan para akayin ang kanilang bayan sa landas ng kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga puso nawa’y maging bukas sa pagtanggap sa mensahe ng mga propeta na nagsasalitang parang mga tinig sa ilang, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang pagtitiyaga ng Diyos nawa’y maranasan ng iba sa pamamagitan ng ating mabuting pakikitungo sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong inaalala natin ang kamatayan nawa’y magtamo ng kapatawaran at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Lubos na mapagmahal na Ama, tunghayan mo ang mga pangangailangan ng iyong bayan at ipagkaloob mo nawa ang aming mga kahilingan habang naghahanda kami para sa iyong Anak na nabubuhay at naghaharing kasama mo magpasawalang hanggan. Amen.

REAL LIFE

 6,886 total views

Gospel Reading for August 7, 2026 – Matthew 16: 24-28

REAL LIFE

Jesus said to his disciples, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses his life for my sake will find it. What profit would there be for one to gain the whole world and forfeit his life? Or what can one give in exchange for his life? For the Son of Man will come with his angels in his Father’s glory, and then he will repay each according to his conduct. Amen, I say to you, there are some standing here who will not taste death until they see the Son of Man coming in his Kingdom.”

————

There is a story about a man from the province who visited Metro Manila for the first time. He was taken to the huge malls, magnificent fountains, and luxurious resorts. Overwhelmed by what he saw, he exclaimed, “So, this is the REAL LIFE! I wish I could stay here.”

But is it really?

Working on a farm to grow vegetables and fruit, raising livestock to feed one’s family and to provide food for others—including those living in crowded cities where there are few farms; having more time to spend with family because life is not consumed by the countless distractions of the metropolis; enjoying the beauty of nature at its finest; breathing cleaner air with less pollution; living in peace and quiet with less traffic, construction, and noise; and experiencing a strong sense of community where neighbors genuinely care for one another. Life moves at a slower pace, bringing less pressure and stress.

Isn’t this the REAL LIFE?

Many of us, however, are tempted to believe that REAL LIFE consists of having every comfort and luxury imaginable; becoming popular and occupying prestigious positions in business, government, or the academe; earning far more than the average worker; accumulating wealth and properties; moving in elite social circles; and building a large bank account.
Yet the more our hearts become attached to these things, the more difficult it becomes to follow Jesus, who tells us, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me.”

Does this mean that Jesus does not want us to enjoy life? Certainly not. Rather, he teaches us not to pursue happiness at the expense of others—not to become indifferent to the suffering and needs of those around us, or worse, to become the very cause of their suffering. A life centered only on ourselves is not the life Jesus calls us to live. We are not created for nothing. Ironically, the more we cling to that kind of life, the more we lose what REAL LIFE truly is.

We are created for a purpose: to do our share in making the world a good place to live in for everyone, using the gifts/talents God gave us.

Lord Jesus, help us to live the life you desire for us, for we believe that this is the only life that leads to eternal life. Amen.

Our continuing journey in Christ

 7,897 total views

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
First Friday in August, Eighteenth Week of Ordinary Time, Year II
07 August 2026
Nahum 2:1, 3; 3:1-3, 6-7     <*((((>< + ><))))*>     Matthew 16:24-28
Photo by author, Anvaya Resort, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Thank you for this
first Friday in August,
Lord Jesus; 
your words remind us 
of our continuing journey
in you
and with you;
many times, 
we go towards you
but sometimes
we go on so many detours
because we think them
as shortcuts,
as better,
most often but wrongly,
much lighter.

Jesus said to his disciples, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses hisnlife for my sake will find it (Matthew 16:24-25).

Christian journey
is a continual turning 
of our hearts to you,
Lord Jesus;
problem is how we 
easily forget,
how foolishly we insist
like the people of Nineveh
to live in power and wealth,
in greed and violence,
in selfishness;
life and its fullness can only
be found in you, Jesus;
help us find our way back to you
when we are lost,
let us leave the sidewalks
to join you on the road itself
as we journey to the Cross
so that along the way
experience your life
and joy and fulfillment.
Amen.

Jesus meek and humble of heart,
make my heart like thine!
Photo by author, Anvaya Resort, Morong, Bataan, 21 July 2026.

CONFIDENTIAL FUND

 55,568 total views

Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o pera ng taumbayan. Maaring iba’t-iba ang paraan ng pag-audit, ngunit naroon ang obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan na magpaliwanag at mag-liquidate sa ponding ginasta.

Kapag sinasabing confidential fund, hindi ibig sabihin na confidential kung saan napunta, kung saan ginastos ang pera, at naaayon ba sa batas. Maaring classified ang pangalan ng informant, target ng operasyon, mga detalye ng paniniktik, kung paano isinagawa ang intelligence gathering.

Tandaan Kapanalig, sa ilalim ng Article VI, Section 29 ng 1987 constitution na walang perang maaring ilabas sa national treasury maliban sa appropriation na ginawa ng batas. Binibigyan din ng Article IX-D Section 2(1) ang Commission on Audit ng kapangyarihan, otoridad na suriin, i-audit ang lahat ng accounts sa paggastos ng pondo at ari-arian ng gobyerno. Ang COA din ang may kapangyarihang magtakda ng saklaw, paraan at mga tuntunin ng audit, kabilang ang pagbabawal sa irregular, unnecessary, sobra-sobrang, maluho at hindi maipaliwanag na paggastos sa pondo ng bayan.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 1445 o Government Auditing Code. Sinasabi sa Section 2 na, lahat ng resources ng gobyerno ay dapat pamahalaan at gastusin alinsunod sa batas at protektahan laban sa illegal o improper disposition. Sa Section 4, government funds must be used solely for public purposes, ang bawat disbursement ay dapat aprubado ng tamang opisyal, at ang claims laban sa pondo ng gobyerno ay dapat suportado ng complete documentation.

Upang mapangalagaan ang classified information, pinagtibay ng COA, DBM, DILG, GCG at DND ang joint circular no. 2015-01 na inaatas ang disbursement mula sa confidential funds ay dapat suportado ng documentary evidence of payment at isumite sa specialized audit ng COA sa selyadong envelope. Ang bawat disbursement ay dapat samahan ng sertipikasyon under oath ng accountable officer na ang gastos ay konektado sa confidential o intelligence operations, may suportang dokumento, hindi ginamit sa ipinagbabawal na bagay.

Kapanalig, ito ang kasalukuyang kuwestyon sa impeachment trial ni VP Duterte. Kung ating susuriin gamit ang mga panununtunan sa government auditing code at joint circular no.2015-01, nabigo, at nagkulang ang Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ng dating Vice-President na isumite sa COA ang tama at naaangkop na documentary evidence na magpapatunay na ginamit sa tama ang 162-milyong pisong confidential fund.

Malinaw Kapanalig sa testimonya ni dating state auditor Roderick Wamil na ang confidential fund ng OVP at Department of Education ay ginamit ni VP Duterte sa kanyang personal na interes matapos mabigo ang kanyang tanggapan na i-liquidate ang pondo sa kabila ng formal demand mula sa COA.

Bukod dito, tinangka din ng mga tauhan ni VP Duterte na impluwensiyahan ang mga opisyal ng COA na downgrade ang COA audit findings sa “query” lamang upang maabsuwelto ang bise-presidente sa pananagutan.

Kapanalig, ating nasaksihan sa impeachment trial ni VP Duterte kung sino ang nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling.

Sinasabi ng Proverbs 12:17-“An honest witness tells the truth, but a false witness tells lies”.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 55,569 total views

 55,569 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 126,728 total views

 126,728 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 158,010 total views

 158,010 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 190,026 total views

 190,026 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 339,346 total views

 339,346 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Agosto 10, 2026

 1,939 total views

 1,939 total views Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 3,311 total views

 3,311 total views Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

Sabado, Agosto 8, 2026

 4,584 total views

 4,584 total views Paggunita kay Santo Domingo, pari Habacuc 1, 12 – 2, 4 Salmo 9, 8-9. 10-11. 12-13 Tanang sa ‘yo dumudulog ay tunay na

Read More »

Biyernes, Agosto 7, 2026

 5,334 total views

 5,334 total views Biyernes ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sixto II, papa, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay

Read More »

Huwebes, Agosto 6, 2026

 6,915 total views

 6,915 total views Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon (A) Daniel 7, 9-10. 13-14 Salmo 96, 1-2. 5-6. 9 Panginoo’y maghahari, lakas n’ya’y mananatili.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top