Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HUWEBES, DISYEMBRE 22, 2022

SHARE THE TRUTH

 1,947 total views

Ika-22 ng Disyembre
(Simbang Gabi)

1 Samuel 1, 24-28
1 Samuel 2, 1. 4-5. 6-7. 8abkd

Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.

Lucas 1, 46-56

22nd of December (Aguinaldo Mass) (White)

UNANG PAGBASA
1 Samuel 1, 24-28

Pagbasa mula sa unang aklat ni Samuel

Noong mga araw na iyon, nang maawat na si Samuel, dinala siya ng kanyang ina sa Templo sa silo. Nagdala pa siya ng isang torong tatlong taon, tatlumpu’t anim na litrong harina at isang pitsel na alak. Nang maihandog na ang baka, dinala nila kay Eli ang bata. Sinabi ni Ana, “Kung natatandaan ninyo, ako po yaong babaing tumayo sa tabi ninyo noon at nanalangin sa Panginoon. Idinalangin ko sa kanya na ako’y pagkalooban ng anak at ito po ang ibinigay niya sa akin. Kaya naman po, inihahandog ko siya sa Panginoon upang maglingkod sa kanya habang buhay.” Pagkatapos nito, nagpuri sila sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
1 Samuel 2, 1. 4-5. 6-7. 8abkd

Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.

Pinupuri ko kayo, Poon,
dahil sa kaloob ninyo sa akin.
Pinagtatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway,
sapagkat iniligtas ninyo ako sa kadustaan.

Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.

Nagapi ninyo ang mga makapangyarihan,
at pinalalakas ninyo ang mahihina.
Kaya, ang dating mayayaman ay nagpapaupa para mabuhay.
Masagana ngayon ang dating maralita.
Ang dating baog, nagsilang ng mga anak,
at ang maraming supling ay sa lungkot nasadlak.

Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.

Kayo, Poon, ay may kapangyarihang magbigay o bumawi ng buhay.
Maaari ninyo kaming patayin, maaari ring buhayin.
Maaari ninyo kaming payamanin o paghirapin,
maaari ring ibaba o itaas.

Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.

Mapadadakila ninyo kahit ang pinakaaba,
mahahango sa kahirapan kahit ang pinakadukha.
Maihahanay ninyo sila sa mga maharlika,
mabibigyan ng karangalan kahit na ang dustang-dusta.

Diyos kong Tagapagligtas,
pinupuri kitang wagas.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Hari’t batong panulukang
Saligan ng Sambayanan,
halina’t kami’y idangal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 1, 46-56

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, ipinahayag ni Maria ang awit na ito:
“Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.
Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin!
At mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi,
dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan
Banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng sali’t saling lahi.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
pinangalat niya ang mga palalo ang isipan.
Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mga mabubuting bagay ang mga nagugutom,
at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman.
Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”
Nanatili si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
SIMBANG GABI – Ikapitong Araw

Kahanga-hanga ang ginawa ng Diyos di lamang kay Maria, kundi pati na sa atin. Magpasalamat tayo sa Kanya:

Salamat sa Iyo, Panginoon!

Para sa kaloob na sangnilikhang saligan ng lahat ng iba pang kaloob ng Panginoon, magpasalamat tayo!

Para sa buhay at lahat ng pagkakataong kaloob ng Diyos upang tayo’y maging kasangkapan ng Kanyang pag-ibig sa kapwa, magpasalamat tayo!

Para sa kaloob Niyang si Hesus, na ating Panginoon at Tagapagligtas na nagbukas ng pintuan ng langit, magpasalamat tayo!

Para sa kaloob Niyang Simbahan at mga bunga ng kabanalang lumago roon sa loob ng maraming siglo at nagpapatuloy hanggang ngayon, magpasalamat tayo!

Para sa kaloob na Salita ng Diyos na para sa atin ay bukal ng kaliwanagan, tibay ng loob, at kasiglahan, magpasalamat tayo!

Para sa mga kaloob na Sakramento ng ating pakikipagtagpo kay Kristong muling nabuhay at pinaghahanguan ng kailangang lakas upang mamuhay alinsunod sa Ebanghelyo, magpasalamat tayo!

Alalahanin natin ang iba pang dapat nating ipagpasalamat sa Panginoon. (Manahimik sandali.) Magpasalamat tayo!

Panginoong Diyos, Bukal ng lahat ng buti at buhay, patuloy Mo kaming pagkalooban ng Iyong pagpapala. Tulutan Mong kami at lahat ng aming gawin ay maging patuloy na pasasalamat sa Iyong nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.

Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 25,251 total views

 25,251 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 90,379 total views

 90,379 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 50,999 total views

 50,999 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 112,904 total views

 112,904 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 132,862 total views

 132,862 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 37,724 total views

 37,724 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 37,955 total views

 37,955 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 38,456 total views

 38,456 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 28,011 total views

 28,011 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 28,120 total views

 28,120 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top