BIYERNES, DISYEMBRE 30, 2022

SHARE THE TRUTH

 1,936 total reads

Kapistahan ng Banal na Mag-anak, Hesus, Maria at Jose

Sirac 3, 3-7. 14-17a
o kaya Colosas 3, 12-21
Salmo 127, 1-2. 3. 4-5

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

Mateo 2, 13-15. 19-23

Feast of the Holy Family of Jesus, Mary and Joseph (White)

UNANG PAGBASA
Sirac 3, 3-7. 14-17a

Pagbasa mula sa aklat ni Sirac

Ang mga ama ay binigyan ng Panginoon ng kapangyarihan sa mga anak,
at iniutos niya na sundin ng mga anak ang kanilang ina.
Ang gumagalang sa kanyang ama’y nagbabayad na sa kanyang kasalanan,
at ang nagpaparangal sa kanyang ina’y parang nag-iimpok ng kayamanan.
Ang gumagalang sa kanyang ama’y paliligayahin naman ng kanyang mga anak,
at ang panalangin niya’y agad diringgin ng Panginoon.
Ang nagpaparangal sa kanyang ama at nagdudulot ng kaaliwan sa kanyang ina,
ay tumatalima sa Panginoon;
pahahabain ng Diyos ang kanyang buhay.
Anak, kalingain mo ang iyong ama pag siya’y matanda na,
at huwag mo s’yang dudulutan ng sama ng loob habang nabubuhay.
Pagpaumanhinan mo siya kapag nanlalabo na ang kanyang isip;
huwag mo s’yang lalapastanganin ngayong nasa kasibulan ka na ng iyong lakas.
Ang paglingap mo sa iyong ama ay di makakalimutan ng Panginoon,
iyan ay magiging kabayaran sa iyong mga kasalanan.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Colosas 3, 12-21

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mga kapatid:

Kayo’y hinirang ng Diyos, itinalaga para sa kanya at minamahal niya. Kaya’t dapat kayong maging mahabagin, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at matiisin. Magpaumanhinan kayo at magpatawaran kung may hinanakit kayo sa isa’t isa. Pinatawad kayo ng Panginoon kaya’t magpatawad din kayo. At higit sa lahat, mag-ibigan kayo pagkat ito ang buklod ng ganap na pagkakaisa. At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Kristo, sapagkat ito ang dahilan kaya kayo tinawag upang maging bahagi ng isang katawan. Magpasalamat kayong lagi. Ang mga salita ni Kristo ay itanim ninyong mabuti sa inyong isip. Magpaalalahanan kayo at magturuan nang buong kaalaman. Umawit kayo ng mga salmo, mga imno, at mga awiting espirituwal, na may pagpapasalamat sa Diyos. At anuman ang gagawin ninyo, maging sa salita o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Hesus, at sa pamamagitan niya’y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, sapagkat iyan ang kalooban ng Panginoon.
Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa at huwag silang pagmamalupitan.
Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat ikinalulugod iyan ng Panginoon.
Mga ama, huwag ninyong kagagalitan nang labis ang inyong mga anak, at baka manghina ang kanilang loob.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 127, 1-2. 3. 4-5

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

Mapalad ang bawat tao na sa Diyos ay may takot,
ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan,
ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na mabunga.
Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya.

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

Ang sinuman kung ang Diyos buong pusong susundin,
buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin,
at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem.

Mapalad ang sumusunod
na taong may takot sa D’yos.

ALELUYA
Colosas 3, 15a. 16a

Aleluya! Aleluya!
Kapayapaan ni Kristo
at Salita n’yang totoo
nawa’y manahan sa inyo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 2, 13-15. 19-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Pagkaalis ng mga Pantas, napakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi sa kanya, “Magbangon ka, dalhin mo agad sa Egipto ang mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga’t hindi ko sinasabi sa iyo, sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang patayin.” Kaya dali-daling bumangon si Jose at nang gabing iyo’y dinala sa Egipto ang mag-ina. Doon sila tumira hanggang sa mamatay si Herodes.

Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Tinawag ko ang aking Anak mula sa Egipto.”

Pagkamatay ni Herodes, isang anghel ng Panginoon ang napakita sa panaginip kay Jose sa Egipto. “Magbangon ka,” sabi sa kanya, “iuwi mo na sa Israel ang mag-ina, sapagkat patay na ang nagtangka sa buhay ng bata.” Nagbangon siya at iniuwi nga sa Israel ang mag-ina.

Ngunit nang mabalitaan niyang si Arquelao ang naghahari sa Judea, kahalili ng kanyang amang si Herodes, siya’y natakot na pumunta roon. Muli siyang sinabihan sa panaginip, kaya’t nagtungo siya sa Galilea. Sa Nazaret sila nanirahan upang matupad ang sinabi ng mga propeta, “Siya’y tatawaging Nazareno.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

 

THE LOST LESSONS

 14,146 total reads

Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future

Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa. Ika nga ng pinuno ng Caritas Manila, “education is great equalizer”.

Ngunit, papaano kung ang mismong pundasyon na siyang magtatakda ng nation’s future ay dahan-dahang bumabagsak?

Kapanalig, ang Pilipinas ay patuloy na nahaharap sa seryosong krisis pang-edukasyon, hindi lamang ito banta at balakid sa kinabukasan ng milyun-milyong mga mag-aaral na Pilipino kundi sa misyong social at economic development ng bansa.

Dahil sa korapsyon, siksikang mga silid-alaran, kulang-kulang na learning materials, sagad sa trabahong mga guro, patuloy na pagbaba ng academic performance…mababanaag natin ang masakit na katotohanan., milyun-milyong mga mag-aaral ang pumapasok sa paaralan., ngunit marami sa kanila ang hindi nakakatanggap na kuwalidad ng edukasyon na nararapat para sa kanila.

Sinasabi ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), umaabot sa 49-porsiyento ng mga mag-aaral ay hindi nakakapagbasa sa inaasahan nilang grade level na Grade 3 noong school year 2024-2025.

Ang lalong nakakaalarma Kapanalig: 0.40-percent lamang ng mga estudyante ay nakakaabot ng kanilang profiency sa Grade 12.

Inilalantad ng findings ang nakakabahalang agwat sa pagitan ng pagpasok sa eskuwelahan at natutuhan.

Ang dahilan ng krisis: kakulangan sa sapat na school facilities. Maraming pampublikong paaralan ay nagkakasya sa siksikang silid-aralan, kulang na mga upuan, outdated na mga libro, limitadong learning resources. Noong July 2026, nasa 166,000 ang backlog sa mga silid-aralan sa buong Pilipinas. Ang nakakalungkot, bukod sa kakulangan ng kasanayan sa pagtuturo, ang mga guro ay ‘multi-tasking”.

Kapanalig sa lahat ng krisis na nararanasan sa bansa ay dulot ng kahirapan. Hindi pantay ang oportunidad, paano ka matuto kung ilang kilometro ang lalakarin mo bago makarating sa paaralan, kumakalam ang sikmura, walang access sa learning resources at kailangan pang magbanat ng buto pagkatapos ng klase upang masuportahan ang hapag-kainan. Kapanalig, sa mga mahihirap, hindi fundamental right ang edukasyon., napaka-layong maabot.

Nakasaad sa ARTICLE XIV, Section 1- “The State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.”

Sa harap ng reyalidad na ito? Nasaan ang gobyerno? Ano ang ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan? Nasaan ang Kongreso? Nasaan ang pangulo ng Pilipinas? Ano ang ginagawa sa bilyun-bilyong pisong pondo kada taon sa Kagawarang Pang-Edukasyon?

Kapanalig, sinasabing “A country cannot build a brighter future by leaving its children behind.”

Kapanalig, sinasabi ng Deuteronomy 6:6-7, “These words I am commanding you today are to be upon your hearts. And you shall teach them diligently to your children and speak of them when you sit at home and when you walk along the road, when you lie down and when you get up”.

Sumainyo ang Katotohanan.

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 64,512 total reads

Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang ating kinabukasan at naglalagay sa panganib sa ating mga buhay.

Bawat taon, nahaharap ang iba’t-ibang komunidad sa malalakas na bagyo, mapinsalang baha, pagguho ng lupa, matinding init ng panahon at matagal na tagtuyot.

Sa kabila ng paulit-ulit na nararanasang trahedya, ang mahalagang katanungan: Sapat ba pa ang ating paghahanda sa maaring tumamang kalamidad?

Ang nakakaalarma Kapanalig, tayo mismo ang tatamaan ng pinsala dahil sa ating kapabayaan. Tayo ang may kasalanan sa hindi tamang waste disposal, laganap ang illegal logging, walang habas na pagmimina sa mga kabundukan, irresponsible development tulad ng PAX Silica at walang pakundangang pagsira sa ating natural na ecosystems.

Mayroon ba tayong ginagawa? May ginagawa ba ang ating gobyerno?

Kapanalig ang disaster preparedness ay hindi dapat ginagawa kapag papalapit na ang bagyo. Nararapat ang ating pamahalaan ay mamuhunan sa matatag na infrastructure, epektibong drainage system, epektibong early warning mechanism, madaling ma-access na evacuation centers, at kumpleto sa kagamitan ang response team.

Pero, ang tanong: Prayoridad ba ng ating mga lider ang pagtugon sa climate crisis? Para sa kanila, sayang lang ang pondo, mas maiging maibulsa muna.

Kapanalig, ang pinakamasaklap na tragedya ay hind isa pananalasa ng kalamidad… kundi sa pagkawala ng inosenteng buhay, dahil sa ating kabiguang maghanda sa kalamidad na alam natin kung kailan mangyayari.

Sa Laudato Si ni Pope Francis: Iginigiit sa mga lider ng bansa at mamamayan ang una: Response to the Cry of the Earth tulad ng paggamit ng malinis na renewable energy at pagbabawas sa paggamit ng fossil fuels; Pangalawa- Response to the Cry of the Poor, Pangatlo: Ecological Economics, sapat na produksyon,patas na kalakalan, ethical na pamumuhunan at iwasan ang mapinsalang economic activity.

Pang-apat: Adoption of Simple Lifestyles, payak na pamumuhay at iwasan ang labis-labis na paggamit ng resources at enerhiya gayundin ang pagbabawas sa pagkain ng karne.

Panglima: Ecological Education, pagre-design sa educational curricula at educational institution reform sa diwa ng integral ecology at ecological vocation ng bawat mamayan.

Pang-anim: Ecological Spirituality,isabuhay ang pagiging mabuting katiwala ng sangnilikha at pangpito:
Community involvement.

Ganito dapat ang mindset nating mga Pilipino, lalu ng mga lider ng bansa sa halip na maging ganid sa pera ng taumbayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

NO REGRETS

 11,352 total reads

Gospel Reading for November 19, 2026 – Luke 9: 41-44

NO REGRETS

As Jesus drew near Jerusalem, he saw the city and wept over it, saying, “If this day you only knew what makes for peace– but now it is hidden from your eyes. For the days are coming upon you when your enemies will raise a palisade against you; they will encircle you and hem you in on all sides. They will smash you to the ground and your children within you, and they will not leave one stone upon another within you because you did not recognize the time of your visitation.”

————

Due to the Jewish insurgency against the Romans, which started in 66 CE, Jerusalem was besieged by Roman soldiers under the command of Titus in 70 CE. The Second Temple was destroyed, and large numbers of residents died from combat, disease, and starvation. Many survivors were enslaved or executed, while the treasures of the Temple were paraded in Rome.

Biblical scholars believe that this was the event Jesus was referring to. He wept because he knew the suffering and death it would bring to his countrymen. He did not think that the Jews deserved such a fate, even though he himself would also experience suffering and death at their hands. He simply regretted that they had not listened to him and understood the importance of spiritual life above governments and politics.

When we listen and follow God’s Word, there will be NO REGRETS.

Lord Jesus, may godly matters always be the priority in our lives. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 14,147 total reads

 14,147 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 64,513 total reads

 64,513 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 198,266 total reads

 198,266 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 283,649 total reads

 283,649 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 346,560 total reads

 346,560 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 32,562 total reads

 32,562 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 35,083 total reads

 35,083 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 37,168 total reads

 37,168 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 35,686 total reads

 35,686 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 36,787 total reads

 36,787 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top