Bagong Papal Nuncio sa Pilipinas, malugod na tinatanggap ng Archdiocese of Ozamis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 456 total reads

Nagpahayag ng pagbati ang Archdiocese of Ozamis sa bagong papal nuncio ng Vatican sa Pilipinas na si Archbishop Gabriele Giordano Caccia.

“The Archdiocese of Ozamis is too glad to welcome you here in the Philippines. We are very happy that we have a new nuncio. We hope that you will enjoy your stay here in the Philippines and we hope that you will be able us here in Ozamis,” pahayag ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad.

Ang papal envoy ay sinalubong ng mga opisyal ng simbahan kabilang sina Gaudencio Cardinal Rosales at incoming CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles.

September 2017 nang itinalaga ni Pope Francis si Archbishop Caccia bilang kinatawan ng Vatican sa Pilipinas, kahalili ni Archbishop Guiseppe Pinto na itinalaga naman sa Croatia.

Si Archbishop Caccia ay isinilang sa Milan, Italy noong 1958.

Siya ay inordinahan bilang pari ng 1983 at naging arsobispo noong 2009.

Bago naitalaga sa Pilipinas, si Archbishop Caccia ay ang Apostolic Nuncio sa Lebanon.

Inaasahang si Archbishop Caccia ang dadalo para sa ‘imposition of pallium’ kina Archbishop Jumoad at Lipa Archbishop Gilbert Garcera na sabay ginawaran ni Pope Francis ng palium bilang mga bagong arsobispo.

Ang pallium ay ‘vestment’ na gawa sa puting tela na isinusuot ng Santo Papa at mga arsobispo- na nagpapakita ng awtoridad sa kanilang nasasakupan at simbolo ng pakikipag-isa sa holy see.

Ang seremonya ay isasagawa na lamang sa kani-kanilang home archdiocese na pangungunahan ng Apostolic Nuncio sa bansa.

Ito ang isa sa pagbabago na ipinatupad ni Pope Francis nang mamuno bilang pinuno ng simbahan noong 2013 na dati-rati ay ipinagdiriwang sa Roma.

Si Archbishop Jumoad ng Ozamiz ay itinalaga noong November 2016, habang si Archbishop Garcera ay itinalaga bilang arsobispo ng Lipa noong Pebrero 2017.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,205 total reads

 56,205 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,516 total reads

 135,516 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,961 total reads

 168,961 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,259 total reads

 204,259 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,525 total reads

 428,525 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,673 total reads

 16,673 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top