194 total views
Inaasahan ang may 500 bikers ang makilahok sa gagawing Mindanao Bike for Peace sa ika-3 ng Disyembre ng taon.
Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo, makikiisa ang ibat-ibang kinatawan mula sa gobyerno, non-governmental organizations (NGOs), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) , Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF), ang Communist Party of the Philippines New People’s Army at ang Simbahang Katolika .
Pahayag pa ng Obispo, pangungunahan ng arkidiyosesis ng Cotabato, diocese ng kidapawan at provincial government ng cotabato okasyon.
Dagdag pa ni Bishop Bagaforo, maliban sa “Bike for Peace mula Cotabato City, Tacurong area at sasabayan ito ng prayer na gagawin sa University of Southern Mindanao, at Kabacan.
“In celebration of the annual Mindanao Week of Peace, bikers from Cotabato City, Tacurong area, & Kidapawan will converge in University of Southern Mindanao, Kabacan for Peace & Prayer rally, @12nn. Expected to attend are representatives from govt, ngos, afp, pnp, milf, mnlf, ndf -ccp… 500 bikers expected. Sponsored by archdiocese of cotabato, diocese kidapawan, & cotabato provl govt.” ayon kay Bishop Bagaforo.
Layunin nito ayon sa Obispo na makamtan na ang matagal ng minimithing kapayapaan sa Mindanao na nininais ng taga rehiyun at ng buong bansa para sa kaunlaran.
Sa pinakahuling suvey ng Social Weather Stations, ang Mindanao region ay mayrong 8.3 percent hunger rate o may kabuuang 429,000 pamilya ang nagugutom ngayong ikatlong quarter ng taon dahil na rin sa kawalan ng peace and order sa kabila ng pagiging mayaman ng rehiyun sa sektor ng agrikultura.