Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,521 total views

Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran?

Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”, malamang ang mukha nito ay kulay abó, nababalot sa konkreto, at punô ng nakasusulasok na usok.

Noong nakaraang linggo, kumalat sa social media ang litrato ng mga pinutol na punò sa Quirino Avenue sa Maynila. Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (o DENR), ang pagputol ng mga punò ay para bigyang-daan ang konstruksyon ng Southern Access Link Expressway (o SALEx). Sa 600 na punong target na alisin, nasa 225 na ang pinutol. Ang ilang punò naman ay ililipat daw sa ibang lugar sa pamamagitan ng earth-balling. Paliwanag ng DENR, dumaan ang SALEx sa pagsusuri at konsultasyon bago binigyan ng tree-cutting at earth-balling permit. Bilang kundisyon ng permit na ito, inatasan  ang project proponent na magtanim ng hindi bababa sa 50,000 na punla sa Maynila.

Ang SALEx ay proyekto ng San Miguel Corporation (o SMC) sa ilalim ng public-private partnership kasama ang Department of Public Works and Highways (o DPWH). Ang SALEx ay toll road na may habang mahigit sa 40 kilometro. Gaya ng kontrobersyal na Pasig River Expressway ng SMC, ang SALEx ay isa na namang dambuhalang infrastructure project na ibabaón sa konkreto ang mga apektadong komunidad.

Hindi tayo natututo sa epekto ng pagkaubos ng green spaces para lamang itayo ang mga sementadong kalsada.Patuloy ang pagkalbo sa mga natitirang punò sa siyudad na sa kabila ng nararanasan nating init, nakasusulasok na polusyon, at nakapeperwisyong pagbaha. 

Tandaan natin: lalong umiinit ang kalunsuran tuwing pinuputol ang mga punò. Nababawasan ang mga espasyong malilim at presko. Sa tuwing pinapalitan ng konkreto ang mga green spaces, lumalalâ ang tinatawag na urban heat island effect kung saan nagkakaroon ng konsentrasyon ng init sa mga siyudad dahil sa mga sementadong imprastruktura at gusali. 

Lumalalâ din ang polusyon dahil nababawasan ang mga punong sumasala at naglilinis ng hangin. Babala nga ang mga eksperto: ang air pollution sa Metro Manila ay napakatindi na. Mula sa isang environmental problem, naging public health crisis na ito.

Sa pagkawala ng mga punò sa mga lungsod, mas madali nang bumaha sa maraming lugar. Nababawasan na nga ang mga punong sumisipsip ng tubig-ulan, nadagdagan pa ang konkretong kalsada na umiipon ng tubig-ulan na nagiging sanhi ng pagbabaha.

Ang pagtatayô ng isa na namang expressway ay maghihikayat pa sa paggamit ng mas maraming sasakyan imbes na ibsan ang trapiko. Ito ang tinatawag na induced demand. Kung mas maraming sasakyan sa kalsada, tumitindi ang trapiko, polusyon, at init.

Kung sabagay, hindi naman apektado ang mga bilyonaryo sa likod nitong mga infrastructure projects kaya wala silang pakialam kahit na lumalalâ ang init, polusyon, at baha. Patuloy nilang lulunurin sa konkreto ang kalunsuran at tatawagin itong kaunlaran. Parang utang na loob pa natin sa kanila ang mga imprastrakturang ito.

Hindi natin basta dapat tanggapin ang mukha ng kaunlaran sa mata ng mayayaman at makapangyarihan. Ipaglaban natin ang bersyon ng maunlad na lipunang magbibigay sa atin ng maayos, maginhawa, at malusog na pamumuhay.

Kailangang tanungin din natin ang mga ahensya ng gobyernong nagpapahintulot sa ganitong pamiminsala. Ano ba talaga ang mandato ng DENR: ang pangalagaan, pangasiwaan, at paunlarin ang ating kalikasan at mga likas-yaman? O ang gawing lehitimo ang pagsira sa mga ito?

Mga Kapanalig, batay sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran ay isang pangkalahatang responsabilidad at paggalang sa kabutihang panlahat. Gaya ng paalala sa Genesis 2:15, inilagay tayo ng Diyos sa halamanan ng Eden upang ito ay pagyamanin at pangalagaan—hindi kalbuhin upang maging expressway patungo sa konkretong impyerno.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 4,522 total views

 4,522 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 25,502 total views

 25,502 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 47,930 total views

 47,930 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 221,826 total views

 221,826 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 199,355 total views

 199,355 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SenateFlix

 25,503 total views

 25,503 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 47,931 total views

 47,931 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 221,827 total views

 221,827 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 199,356 total views

 199,356 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »
Scroll to Top