Tahimik pero Naninindigan campaign,inilunsad ng Diocese of Kalookan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,914 total reads

Naglunsad ang Diocese of Kalookan – Public and Political Affairs Ministry (DPPAM) ng isang communication campaign upang hikayatin ang mas aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa usapin ng kalikasan, mabuting pamamahala, at pananagutang pangkomunidad sa mga lungsod ng Malabon, Navotas, at Caloocan.

Sa ilalim ng kampanyang “Tahimik pero Naninindigan,” binigyang-diin ng DPPAM ang kahalagahan ng disiplina, pakikilahok, at malasakit ng mamamayan sa mga usaping direktang nakaaapekto sa mga pamayanan tulad ng basura, pagbaha, tubig, baybayin, at mga proyektong pang-imprastraktura.

“Basura natin, pananagutan natin… Ang malinis na komunidad ay nagsisimula sa disiplina ng bawat tahanan,” pahayag ng DPPAM.

Ayon sa ministry, nagsisimula sa wastong paghihiwalay ng basura, pagbabawas ng paggamit ng single-use plastics, at pakikiisa sa mga programa ng barangay ang pagpapanatili ng kalinisan sa komunidad.

Hinimok din nito ang publiko na suportahan ang mga zero-waste program at aktibong makilahok sa clean-up drive at environmental information campaigns.

Kaugnay naman ng usapin sa tubig, pinaalalahanan ng DPPAM ang publiko sa kahalagahan ng pagtitipid at wastong paggamit ng tubig bilang bahagi ng malasakit sa kapwa at sa kinabukasan.

“Bawat patak ay mahalaga… Ang pangangalaga sa tubig ay hindi lamang praktikal na gawain kundi pananagutang panlipunan,” ayon sa grupo.

Tinalakay rin sa kampanya ang patuloy na suliranin sa pagbaha sa Malabon, Navotas, at Caloocan kung saan iginiit ng ministry na hindi dapat ituring na normal ang madalas na pagbaha sa mga komunidad.

“Malinis na kanal. Maayos na daluyan. Handa ang komunidad. Ang kaligtasan ay pinaghahandaan, hindi hinihintay,” ayon pa sa DPPAM.

Kaugnay nito, hinikayat ng DPPAM ang mga residente na i-report ang mga baradong drainage at iligal na pagtatapon ng basura, alamin ang flood-prone areas at evacuation plans, at makilahok sa preparedness at clean-up activities.

Gayundin din ang kahalagahan ng pangangalaga sa baybayin at yamang-dagat sa gitna ng mga proyektong may epekto sa kabuhayan at kalikasan.

“Ang baybayin ay hindi lamang espasyo para sa proyekto. Ito ay pinagkukunan ng kabuhayan, proteksiyon ng komunidad, at bahagi ng likas na yaman,” saad ng ministry.

Nanawagan naman ang DPPAM sa mga mamamayan na maging mapanuri at makilahok sa pagbabantay sa mga flood control, drainage, road repair, at iba pang local infrastructure projects upang matiyak ang maayos na serbisyo at pananagutan ng mga kinauukulan.

“Ang tahimik ngunit mapanuring mamamayan ay mahalagang katuwang sa mabuting pamamahala,” dagdag pa nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,987 total reads

 84,987 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 119,029 total reads

 119,029 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 154,329 total reads

 154,329 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 380,598 total reads

 380,598 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 269,493 total reads

 269,493 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,355 total reads

 155,355 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top