CBCP-ECID, nagpaabot ng pakikiisa sa mga Muslim

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,282 total reads

Nagpaabot ng pagbati at pakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for Interreligious Dialogue (CBCP-ECID) sa mga kapatid nating Muslim sa bansa kaugnay ng pagdiriwang ng Eid al-Adha o “Feast of Sacrifice.”

Sa mensahe nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo at Cotabato Archbishop Charlie Inzon OMI, na chairman at vice chairman ng komisyon, kinilala ng mga Obispo ang kahalagahan ng pagdiriwang bilang paggunita sa kahandaan ni Propeta Ibrahim na ialay ang kanyang anak bilang pagsunod sa kalooban ng Allah.

Ayon sa CBCP-ECID, ang Eid al-Adha ay paalala ng pagpapahalaga sa pagiging mapagkumbaba, matuwid, at handang isantabi ang makamundong pagnanasa para sa mas mataas na layunin.

“On behalf of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for Interreligious Dialogue (CBCP-ECID), we extend our fraternal greetings as you celebrate Eid al-Adha, the “Feast of Sacrifice.” We are one with you in celebrating “Eid’l Adha,” or “Feast of the sacrifice” which honours Prophet Ibrahim’s absolute willingness to sacrifice his son Ishmael as an act of obedience to Allah. It reminds Muslims to willingly let go of worldly attachments, desires and material wealth for a higher purpose.” Bahagi ng mensaheng ipinaabot ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Samantala, tiniyak din ng komisyon ng CBCP ang kanilang pananalangin para sa kapayapaan at maayos na pagdaraos ng parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

“In a very special way, we are keeping you in our prayers that the values of selflessness and moral integrity may pave the way for a truly peaceful, orderly, and credible parliamentary election in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).” Dagdag pa ng CBCP-ECID.

Binigyang-diin din ng komisyon ang kahalagahan ng sama-samang pagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa, at kabutihang panlahat.

Ayon sa CBCP-ECID, ang tunay na kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng kaguluhan kundi pagkakaroon ng katarungan, paggalang sa isa’t isa, at aktibong pagtutulungan para sa kapakanan ng lahat.

Hinimok din ng komisyon ang pagsusulong ng inklusibong pag-unlad upang matiyak na walang naiiwan, lalo na ang mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

“Let us stand together to reaffirm our shared commitment to peace, solidarity, and the common good. Lasting peace is not simply the absence of conflict; it is the presence of justice, mutual respect, and active cooperation. To build this foundation, we must champion inclusive development. Growth is only meaningful when it reaches everyone. We must ensure that our progress lifts up the vulnerable, empowers the marginalized, and leaves no one behind. When we work for the common good, we protect the dignity of every individual and safeguard our shared home for future generations.” Ayon pa sa kumisyon.

Nagpaabot din ng panalangin ang kumisyon na tanggapin ng Allah ang mga sakripisyo at panalangin ng mga kapatid nating Muslim at pagkalooban sila ng kapayapaan, kaligayahan, at kasaganaan sa pagdiriwang ng Eid al-Adha.

Batay sa tala, umaabot sa mahigit 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas kung saan mayorya ay mga Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,134 total reads

 49,134 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,830 total reads

 128,830 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,277 total reads

 162,277 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,575 total reads

 197,575 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,182 total reads

 422,182 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top