Mananampalataya, hinimok ni Bishop Santos ng sama-samang panalangin ng Santo rosaryo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,467 total reads

Hinimok ni Bishop Ruperto Santos ang mga parokya at mananampalataya ng Diocese of Antipolo na aktibong makiisa sa pandaigdigang pagdarasal ng Santo Rosaryo para sa kapayapaan bilang tugon sa panawagan ni Pope Leo XIV.

Sa inilabas na circular letter ng obispo, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng sama-samang pananalangin habang patuloy na nakararanas ng digmaan, karahasan, at pagdurusa ang iba’t ibang bahagi ng mundo.

“I earnestly encourage all parishes, shrines, religious houses, ecclesial communities, and the lay faithful of the Diocese of Antipolo to participate actively in this prayer initiative,” ayon kay Bishop Santos.

Isasagawa ang worldwide Rosary sa May 30, 2026, alas-siyete ng gabi sa Roma sa harap ng Lourdes Grotto sa Vatican City na pangungunahan ng Santo Papa at ilalathala sa iba’t ibang dambana at komunidad sa buong mundo.

Hiniling din ng obispo sa mga parokya na magsagawa ng communal recitation ng Santo Rosaryo ayon sa lokal na oras at palawakin ang partisipasyon ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng parish announcements at digital platforms.

Naniniwala si Bishop Santos, na siya ring parish priest ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, na mahalaga ang sama-samang pananalangin para makamtan ang tunay na kapayapaan at pagkakaisa ng mundo.

“May this united prayer of the Church become a powerful plea for reconciliation, justice, and lasting peace throughout the world,” ayon sa obispo.

Layunin ng pandaigdigang pagdarasal na pag-isahin ang mga mananampalataya sa pananalangin para sa kapayapaan sa mga bansang apektado ng kaguluhan at armadong tunggalian sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,322 total reads

 11,322 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,560 total reads

 239,560 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 133,026 total reads

 133,026 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 227,055 total reads

 227,055 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 270,843 total reads

 270,843 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top