Mananampalataya, hinimok na magbuklod sa pananalangin sa ligtas at matagumpay na operasyon ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 801 total reads

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na magbuklod sa pananalangin para sa ligtas at matagumpay na operasyon ni Pope Leo XIV.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng obispo ang kahalagahan ng pagbubuklod ng Simbahang Katolika para sa agarang paggaling ng pinunong pastol upang maipagpatuloy nito ang mga gawaing pagpapastol lalo na sa mahigit isang bilyong katoliko sa mundo.

“The Catholic Church in the Philippines remains united in prayer for the Holy Father, asking the Lord to restore him to full health and renewed vigor, so that he may continue to shepherd God’s people and faithfully carry out his Petrine ministry with wisdom, compassion, and strength,” ayon kay Bishop Santos.

Dalangin ng obispo na gabayan ng Panginoon ang mga doktor at iba pang medical personnel na mangangalaga sa Santo Papa.

“We pray that his forthcoming surgery may proceed safely and successfully, that the Lord may guide the hands, minds, and hearts of the medical team entrusted with his care, and that he may be granted a swift and complete recovery,” dagdag ng obispo.

Tiniyak din ni Bishop Santos ang pakikiisa ng Diocese of Antipolo sa pananalangin para sa Santo Papa sa pamamagitan ng mga Banal na Misa at iba pang mga panalangin.

Ipinagkatiwala rin ng obispo ang kalusugan at paggaling ni Pope Leo XIV sa pamamagitan ng panalangin sa Nuestra Señora de La Paz y Buen Viaje, patrona ng diyosesis, upang samahan at pangalagaan ang Santo Papa sa panahon ng kanyang pagpapagaling.

Kamakailan ay ibinahagi ni Pope Leo na sasailalim ito sa operasyon matapos madiskubre ng mga doktor ang bukol sa bahagi ng kanyang baga.

Agad namang nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa lahat ng mga mananampalataya na ipanalangin ang kagalingan ng Santo Papa.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 4,127 total reads

 4,127 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 11,412 total reads

 11,412 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 48,745 total reads

 48,745 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 275,015 total reads

 275,015 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 168,482 total reads

 168,482 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 261,943 total reads

 261,943 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top