1,110 total reads
Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal ng Santo Rosaryo para sa matagumpay na operasyon at paggaling ni Pope Leo XIV.
Ayon kay CBCP President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera, mahalagang magkaisa sa panalangin ang mga obispo, pari, relihiyosong komunidad at mga pamilya para sa mabuting kalusugan ng Santo Papa.
“I appeal to our Filipino Catholic faithful to unite in prayer for our Holy Father, Pope Leo XIV, as he prepares to undergo lung surgery,” ayon kay Archbishop Garcera.
Dagdag pa ng pinuno ng CBCP, “Let us pray that the Lord may guide his surgeons and all who care for him, sustain him with strength and peace, and restore him to health.”
Nakatakdang sumailalim sa operasyon si Pope Leo matapos matuklasan ng mga doktor ang isang bukol sa kanyang baga.
Ayon sa Santo Papa, maaga itong natukoy kaya inirekomenda ng mga doktor na alisin ito sa pamamagitan ng operasyon.
Isasagawa ang operasyon sa Gemelli Hospital sa Rome, Italy, at inaasahang mananatili roon ang Santo Papa nang humigit-kumulang isang linggo.
Muling hinimok ni Archbishop Garcera ang mga mananampalataya na ipagdasal ang paggabay sa mga doktor at ang ganap na paggaling ng Santo Papa.




