Pagtanggi ng Senate impeachment court sa request for admission ng prosecution, hindi hadlang sa kaso laban kay VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,364 total reads

Hindi nakikitang hadlang ng House prosecution sa kanilang kaso laban kay Vice President Sara Duterte ang naging desisyon ng Senate impeachment court kaugnay ng kanyang mga bank at financial records.

Ayon kay House prosecutor at San Juan City Representative Ysabel Maria Zamora, magpapatuloy ang kanilang plano sa paglilitis kahit hindi pinagbigyan ng impeachment court ang kanilang ‘Request for Admission.’

“This is not a setback, I think. You know, even if the ruling was adverse to the prosecution, I think we will still continue with the strategy, the plan of the prosecution,” ayon kay Zamora.

Saklaw ng naturang kahilingan ang 104-items, kabilang ang pagiging ‘authentic’ ng mga bank records na dinala sa korte at pagmamay-ari ng mga account na nakasaad dito.

Sa desisyon ni Senate President at Presiding Officer Francis Escudero, hindi maaaring pilitin ang bise presidente na sagutin o akuin ang mga ito dahil sa kanyang karapatang konstitusyonal laban sa self-incrimination.

Binigyang-diin din ng korte na ang hindi pagsagot ni Duterte ay hindi maaaring ituring na pag-amin at hindi maaaring gamitin ang proseso upang ilipat sa bise presidente ang tungkuling patunayan ng prosecution ang mga alegasyon sa impeachment.

Gayunman, mananatili sa rekord ng kaso ang Request for Admission, kasama ang pagtutol ng depensa at desisyon ng korte, ngunit hindi ito maaaring gamitin bilang ebidensiya laban sa Pangalawang Pangulo.

Ayon naman kay House impeachment adviser at spokesperson Robert Barbers, hindi nito mapipigilan ang prosecution na iharap ang mga bank records bilang ebidensiya sa alegasyon ng unexplained wealth.

Nauna nang pinayagan ng impeachment court ang subpoena sa bank, tax at Anti-Money Laundering Council records matapos makita nitong may kaugnayan ang mga dokumento sa alegasyon.

“We’re glad that they’ve ruled that they will accept and admit the records as part of the evidence that the prosecution panel will deliberate on,” ayon naman kay Barbers.

Humigit-kumulang sampung bangko na rin ang nagsumite ng kanilang mga rekord.

Inatras ng prosecution nitong Lunes ang Request for Admission at sa halip ay iminungkahi ang pagkakaroon ng ‘stipulation’ sa depensa para mapabilis ang paglalahad ng ebidensiya.

Kung hindi mapagkasunduan, posibleng isa-isang ipatawag ng prosecution ang mga kinatawan ng mga bangko upang kilalanin at patotohanan ang mga isinumiteng rekord.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 21,256 total reads

 21,256 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 102,431 total reads

 102,431 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 135,880 total reads

 135,880 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 171,178 total reads

 171,178 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 397,009 total reads

 397,009 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 14,226 total reads

 14,226 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top