Transaksyon ng GenCorp sa Davao City government, isang malinaw na conflict of interest

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,655 total reads

Naniniwala si dating Presidential Political Affairs Adviser at political analyst Ronald Llamas na mahalaga ang naging pag-amin ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na nagkaroon ng mga transaksyon ang GenCorp sa Davao City government.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, tinalakay ni Llamas na mahalaga ang naging talakayan sa nakaraang Impeachment Trial kung saan naging sentro ng pagdinig ni Vice President Sara Duterte ang testimonya ni Davao Mayor Baste Duterte kaugnay ng mga kontrata ng Davao City government sa GenCorp Industries Inc., na kumpanyang idineklara ng Bise Presidente bilang isa sa kanyang business interests sa kanyang 2024 at 2025 SALNs.

Idineklara ng Senate Impeachment Court si Mayor Baste Duterte bilang hostile witness, na nagbigay-daan sa prosecution na magtanong sa kanya gamit ang leading questions.

“Inamin ni Baste na nakikinabang ‘yung GenCorp sa mga kontrata ng City Hall sa Davao. Ang sabi lang niya, hindi niya alam na ‘yung kanyang kapatid ay major stockholder doon sa company na ‘yon.” Bahagi ng pahayag ni Llamas sa Radyo Veritas.

Ayon sa mga ulat kaugnay sa naganap na pagdinig, kinumpirma ni Mayor Baste Duterte na nagkaroon ng 19 contracts sa pagitan ng Davao City government at GenCorp, na nagkakahalaga ng mahigit ₱33 milyon, kung saan sinabi rin ng alkalde na hindi niya personal na sinuri ang lahat ng kontrata at corporate records ng kompanya.

Gayunman, iginiit ng alkalde na kung alam niyang may business interest ang kanyang kapatid sa GenCorp, hindi niya pahihintulutan ang mga kontratang ito.
“Well, kahit i-assume natin na hindi niya alam, ‘di ba, ‘yung mga dokumentong pinapapirmahan niya, pero dapat bago niya pirmahan ay may due diligence na ang mga tao niya.” Dagdag pa ni Llamas.

Ayon kay Llamas, sinabi rin ni Mayor Baste Duterte sa pagdinig na nananatili sa kanya ang accountability bilang head of the procuring entity ng lungsod kahit may mga kinatawang awtorisadong pumirma sa ilang dokumento.

Para kay Llamas, mahalagang usapin dito ang conflict of interest, lalo na dahil pampublikong pondo ang sangkot sa mga government contracts.

“Kung may conflict of interest, ‘no, eh sigurado na nagagamit mo ang pera ng bansa para makinabang kayo—kayo, mga magkakaibigan, magkaka-mag-anak. Kaya bawal na bawal ‘yan sa ating mga batas.” Ayon pa kay Llamas.

Samantala, patuloy namang tinatalakay ng impeachment court ang mga alegasyon kaugnay ng unexplained wealth at business interests ng Bise Presidente, kung saan una ng iginiit ng depensa na walang direktang pakikialam si VP Sara sa mga kontrata ng Davao City government.

Kasunod ng naging pagharap ni Mayor Baste Duterte noong September 29, 2026 sa Senado ay nagpatupad naman ang Senate Impeachment Court ng isang procedural pause nitong September 30, 2026 at inaasahang ipagpapatuloy ang paglilitis sa October 1, 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,544 total reads

 21,544 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,295 total reads

 58,295 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,565 total reads

 284,565 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,032 total reads

 178,032 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,901 total reads

 270,901 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top