eMAIFIP, pinalawak ng DOH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,538 total reads

Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong nangangailangan ng tulong medikal ang makinabang sa programa.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, inihayag ni DOH Assistant Secretary for Hospital Systems Cluster Tagumpay Maniquis ang pagpapalawig sa programang pangkalusugan ng pamahalaan na hindi lamang mga indigent o mahihirap ang masasaklaw kundi maging ang mga may trabaho na nauubusan ng ipon dahil sa malubhang karamdaman.

“’Yung indigent, ito po ‘yung sinasabi natin na nasa laylayan, ‘yung walang-wala talaga. At ito namang financially incapacitated, ito po ‘yung mga mayroong trabaho, pero sa pagkakataon na sila ay nagkasakit, talagang nauubos.” Bahagi ng pahayag ni Maniquis sa Radyo Veritas.

Ayon sa opisyal, saklaw ng MAIFIP ang iba’t ibang serbisyong medikal, mula hospitalization hanggang outpatient care, kabilang ang gamot at cancer treatment.

“Ito ay comprehensive ito,no. So from hospitalization to outpatient services, lahat na po ng medical services—cancer, mga gamot, ‘yan—kahit anong klaseng sakit, na-cover na po ‘yan.” Ayon pa kay ni Maniquis.

Ibinahagi ni Maniquis, ang MAIFIP ay nagsisilbing karagdagang tulong sa PhilHealth para sa mga pasyenteng may natitirang gastusin sa partner hospitals.
Paliwanag ni Maniquis, maaaring mag-enroll sa eMAIFIP gamit ang eGov app, bagama’t aminado ang DOH na may mga hamon sa digitalization, lalo na sa mga walang sariling device.

“Ang naging pauunang hakbang po namin, kung sila ay walang digital device, mayroon kaming assistance desk sa mga partner hospitals at lalong-lalo na sa ating mga DOH hospitals, kung saan sila i-a-assist kung paano mag-enroll.” Dagdag pa ni Maniquis.

Ayon sa opisyal, target ng DOH na palawakin ang network nito mula sa kasalukuyang 145 hospitals tungo sa 1,747 healthcare facilities sa loob ng susunod na 16 buwan, kabilang ang mas maraming pribadong ospital at LGU hospitals.

Tiniyak naman ni Maniquis na patuloy na palalakasin ng DOH ang programa upang mapangalagaan hindi lamang ang mga may sakit kundi ang kalusugan ng buong mamamayan.

“Makakaasa po kayo na ang ating Department of Health ay puspusang nagtatrabaho para maihatid ang sapat at de-kalidad na tulong sa inyo. Hindi lang habang kayo ay may sakit, pero upang kayo ay panatilihing malusog para hindi po kayo kailangang pumunta sa hospital para sa inyong pangangailangan.” Ani Maniquis.

Para sa Simbahan, ang pagpapalawak ng access sa serbisyong pangkalusugan ay pagkilala sa dignidad ng tao at konkretong pag-aalaga sa mga higit na nangangailangan, lalo na sa mga pamilyang nanganganib malubog sa kahirapan dahil sa gastusing medikal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 23,494 total reads

 23,494 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 60,045 total reads

 60,045 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 286,315 total reads

 286,315 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 179,782 total reads

 179,782 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 272,566 total reads

 272,566 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top