Pagbabagong-loob at konkretong pagkilos, tugon sa “ecological crisis”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,292 total reads

Hinamon ng opisyal ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang mga mananampalataya na huwag ituring na simpleng usaping pangkapaligiran lamang ang lumalalang krisis sa kalikasan, kundi isang panawagan sa pagbabagong-loob at sa konkretong pagkilos.

Sa kanyang panayam sa symposium na “The Spirituality of Creation: Faith • Care • Action” ng Diocese of Bacolod sa John Paul II Cultural Center noong September 26, binigyang-diin ni Fr. Angel Cortez, OFM, co-executive secretary ng CMSP, na ang pagkasira ng kalikasan ay bunsod din ng mga mapang-abuso na gawain ng tao.

“What have we done to our common home? What has happened to us—that we could do this to our common home?” ayon kay Fr. Cortez.

Binigyang-diin ng pari na kailangang matutong huminto, tumingin at makinig ang tao sa harap ng ecological crisis bago agad maghanap ng mga solusyon.

“Before asking ‘What should we do?’ Christians must ask: What is creation telling us? What are the poor telling us? What is God telling us through them?” aniya.

Binigyang-diin din ng Franciscanong pari na hindi maaaring paghiwalayin ang pangangalaga sa kalikasan sa pangangalaga sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap na higit na nakararanas ng epekto ng pagkasira ng kapaligiran.

“The ecological crisis, therefore, demands both interior transformation and structural transformation. The cry of the Earth and the cry of the poor become inseparable,” giit ni Fr. Cortez.
Iginiit ng pari na hindi sapat ang indibidwal na pagbabago kung hindi ito hahantong sa pagbabago sa pamilya, komunidad, kultura at mga estruktura ng lipunan.

Iniuugnay ni Fr. Cortez ang pananaw na ito sa halimbawa ni St. Francis of Assisi, na kinilala ang sangnilikha bilang bahagi ng ugnayan ng pagkakapatiran sa halip na simpleng bagay na maaaring ariin at gamitin.

“Francis moves us from domination to fraternity, from possession to relationship, and from exploitation to care,” paliwanag ni Fr. Cortez.

Iginiit din niya na ang ecological spirituality ay hindi lamang isang natatanging gawain para sa mga environmental advocates kundi bahagi na rin ng mismong pamumuhay at kabanalan ng bawat Kristiyano.

“Ecological spirituality is not an optional specialist ministry. It belongs within ordinary Christian holiness,” aniya.

Hamon ni Fr. Cortez sa mga mananampalataya na gawing bahagi ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ang pagbabagong pangkalikasan, mula sa personal na pagbabagong-loob hanggang sa sama-samang pagkilos para sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Nagtapos ang symposium sa panawagang “Mulat, Dama, Tindig, Paghayo” upang ipakita ang tunay na kalagayan ng kalikasan na magsisilbing hamon sa bawat isa na sama-samang kumilos upang tugunan ang mga hamong kinakaharap ng sangnilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 22,714 total reads

 22,714 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 59,318 total reads

 59,318 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 285,588 total reads

 285,588 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 179,055 total reads

 179,055 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 271,871 total reads

 271,871 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top