Stella Maris Philippines at Bureau of Customs, pinagtibay ang pagtutulungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,845 total reads

Pinagtibay ng Stella Maris-Philippines at Bureau of Customs ang kanilang pagtutulungan upang higit na mapalakas ang pagkalinga sa mga Filipino seafarers at migrants na patuloy na nagsusumikap sa ibayong dagat na malayo sa kanilang mga pamilya.

Ito ang mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, CBCP Bishop Promoter ng Stella Maris-Philippines, kasunod ng paglagda sa Memorandum of Understanding o MOU sa pagitan ng dalawang institusyon sa Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz sa Binondo, Manila noong September 28.

Ayon kay Bishop Santos, mahalagang maramdaman ng mga Filipino seafarers, mga migrante, gayundin ng kanilang mga pamilya na hindi sila nakakalimutan at pinababayaan sa kabila ng kanilang paglalakbay at pagkakalayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

“Through this MOU, we affirm something that our seafarers and migrants need to hear and, more importantly, to experience: they are not forgotten, and they are not alone,” pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Iginiit ng obispo na hindi sapat ang mga programa lamang sa pangangalaga sa kanilang sektor kundi ang higit na pakikipag-ugnayan upang tunay na matugunan ang pangangailangan ng mga seafarers at migrante.

“This partnership recognizes that caring for our seafarers and migrants requires more than policies and programs. It requires presence. It requires listening. It requires accompaniment,” giit ng obispo.

Sa ilalim ng kasunduan, makikipagtulungan ang Bureau of Customs sa Stella Maris-Philippines sa pagpapadali ng mga pagbisita sa mga barko at sa pagsuporta sa pastoral care program ng mga port chaplain.

Ayon naman kay Fr. Jose Conrado Estafia, ang national director ng Stella Maris-Philippines, layunin ng MOU na isulong ang patuloy na ebanghelisasyon sa ahensya at sa buong industriya ng maritime.

“The major purpose of the Memorandum of Understanding (MoU) between the Bureau of Customs and the Apostleship of the Sea – Stella Maris Philippines is to bring about continuing evangelization that can lead towards growth and transformational change in the Bureau of Customs as well as the spiritual renewal of the maritime community,” ayon kay Fr. Estafia.

Binigyang-diin ni Fr. Estafia na makatutulong ang kasunduan sa gawain ng Stella Maris-Philippines, partikular sa kanilang pastoral na paglilingkod sa mga seafarers.

“This is truly beneficial to Stella Maris Philippines since the Bureau will facilitate Ship Visits and assist the Port Chaplain in its Pastoral Care Program,” dagdag ng pari.

Iniuugnay naman ni Bishop Santos ang kasunduan sa halimbawa ni San Lorenzo Ruiz, ang kauna-unahang Pilipinong santo na isang migranteng nagdala ng kanyang pananampalataya sa ibayong dagat.

“His life tells us that wherever a Filipino goes, God goes with him; wherever our people journey, the Church must journey with them,” giit ni Bishop Santos.

Umaasa si Bishop Santos na tunay na maisabuhay ang nilagdaang kasunduan para sa kapakinabangan at pagpapahalaga sa kapakanan ng mga seafarers at mga migrante.

“May this partnership be more than a document signed today. May it become a living commitment, a commitment to accompany, protect, serve, and care,” ayon kay Bishop Santos.

Sa datos ng Department of Migrant Workers, mayroong mahigit kalahating milyong Filipino seafarers na nagtatrabaho sa mga international vessel sa buong mundo, habang milyong-milyong migrante naman ang patuloy na nagsusumikap sa iba’t ibang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,386 total reads

 50,386 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,142 total reads

 147,142 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,411 total reads

 191,411 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,520 total reads

 214,520 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,447 total reads

 287,447 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top